Totally Nervous

I'm taking Certified Quality Engineer this Saturday.
I'm super kinakabahan...d ko maalala kung ganito din ang naramdaman ko nung Borad exam...

Dahil hindi nako sing fresh than when I was 22, ang bilis kong makalimot.

Sana naman matandaan ko ang mga pinag aralan ko.

Pero after ng exam, I'm looking forward to a few things:

1) SEX, my baby's gender I mean
2) Relax, I can now go home after 5, I've been staying late at work just to study for the previous month at 5 months ding ginabi ng uwi to attend lectures.
3) Korea and Qingdao China. I'm finally collecting my China Visa this Thursday.  So matutuloy na ang trip ko.  Kahit na nga work parin ito, enjoy while it lasts...and while it's free :-) Kaso malamig parin sa Korea at China ngayon.
4) Moving to our flat soon....shelling out every cent we have saved though...
       dahil tapos na ang aral, makakapili narin ako ng designs/furniture para sa bahay.
5) Going home to Baguio, mag shoshopping kami ni audrey :-)
6) Giving birth :-) :-)

Everything is exciting.

2010 has just started, indeed it is a year of abundance.
Abundance does not necessarily mean overflow of cash (kasi lahat ng nasa list ko eh gastos).  Puro come to think of it, kung hindi ako over blessed, how can all of these things come to reality?

God is great! All praise to Him. 

Happy 5th Birdthday to my daughter today.  Gumawa/Nagdesign kami ng cupcake last night.  Turned out mas mahal ang sariling gawang cake kesa yung bibilhin. 

I am thinking about SEX

meron akong nakikitang mga meters sa FB, kung ano daw ang iniisip ng isang tao.
merong percentage for money, food and sex.

well ako.... 100% SEX!

uy grabe naman ang iniisip ng mga toh!.
ang iniisip ko, kung ano kayang sex o kasarian ng baby ko.

sa April 5 malalaman ko na (sana ipakita niya).

si Audrey kasi dati shy, ayaw pakita ang flower.
24 hours bago ako biyakin, saka lang namin nalaman na girlalu pala ang dala kong bola.

Matulis ang tiyan ko...so Lalake daw.
30 years old ako...Chinese conception calendar says Lalake daw.
May mga kabatch akong nanganak/buntis...4 sila...lalake lahat.

Gusto ko rin Lalake.

ang kaso, wala man lang akong magustuhan na pangalan ng lalake.  kung girl si baby ay meron na siyang name. 

Well, girl or boy man si baby, basta healthy...happy na si Momy.

A Beautiful Sunday

Just another ordinary Sunday.
Breakfast was left over Pizza.
We headed to the neighborhood market as usual.

I love Sundays as I and my husband often experiment on new dishes.
For today, as I was craving for some Isaw, we bought sweet intestine, I do not know why it's called such.
As it turned out, it was the small intestines meant for making Chicharon bulaklak, Isaw is made using large intestines I think.

Lunch was great with the crispy and crunchy chicharon with suka at sibuyas.  A long labor of cleaning two packs of intestine just turned out into a kapirangot na bulaklak.  Buti I added grilled pusit.  Ayos!
It was like eating at soem Pinoy Resto!  We're thinking of adding these to Audrey's b-day menu.

Every Sundays should be like this.  A time spent with family and giving thanks to the Lord above.

Thanks for these blessings Oh Lord!

2 is a crowd???

nababagabag ang aking kalooban...emotionally affected sa hindi pagkaintindihan ng dalawa kong inspector.  mga auntie na sila, parehas lagpas 40 na.  pero d sila magkaintindihan.  yung isa araw araw nagsusumbong sakin kung anong nangyayari sa inspection room.  wala akong aksiyon, isang simpleng sit down meeting lang na nagpapa-alala na da-dalawa lang sila sa room na yon, dapat magtulungan sila.  ano ngayon, dumeretso na sa manager yung isang walang sinusumbong at hindi na raw siya masaya sa nagyayari....

hindi kung kaninong kasalanan, pare parehas tayong tao, may pagkukulang. pero dapat naman sa 3 taon na tayong magkakatrabaho, dapat kilala na natin ang isa't isa.  bakit may biglang nagsasabing, ayaw kong inuutusan ako, ayaw kong kinakausap ako pag nagtatrabaho ako....puwede sa bahay ka nalang? wag kana pumasok dito?

Lord, gabayan mo po sila, lalo na po ako dahil ako ang dapat magbigay solusyon sa personal nilang problema.

di na tuloy ako makapag-aral at ang bilis ng pintig ng puso ko.  pati si baby sumisipa pa.  relax ka lang anak, pag labas mo, bugbugin mo nga auntie na mga yan.

I'm Craving for.....

pork isaw na may saw sawan na suka at sibuyas.....shwarmmmm s-a-r-a-p!

My Green Passport

i have to audit suppliers next month.
so as usual, kailangan ko mag apply ng visa...kasi green ang passport ko!



our company agent advised: "there is a ban for Filipinos entering China"
deeeyymn! at baket? So I had to personally appear at the consulate.
kay haba ng pila, hanggang labas ng building (at least maganda building nila, marmol, di tulad ng Phil embassy, garahe ng lumang bahay, ang counter ay bintana na may grills, parang sari sari store.... pwek!).
wawa naman si buntis, pumila pa....so after one hour, nakarating din ako sa window.

Miss :"I need air ticket, hotel booking and 3 months bank account notice"
Buntis : "I'm flying for business, here is my invitation letter."
Miss : "For business, you need a Visa Notification.  Original copy."
Buntis : napa nganga ng malaki

Sorry dear, green kasi ang passport mo!  Time to change it to Red para sa trabaho mo.

Buntis or Not?

halata na si baby. at hindi ko narin sinusuot ang mga pre-pregnance clothes ko.

Momy : trying on baby bump looks
Papa : Parang di mo pa nasusuot mga yan, kabibili mo?
Momy : Hindi. na-sale ko dati.  Mukha akong buntis pag sinusuot kaya at least once lang ata nagamit.
Papa : Ayos! puwede na ngayon.

Mga iba ibang paraan ng mga nakiki-usyoso kung buntis nga ba ako:

"How old is your daughter? Are you planning to have another one? (I just point to my bump) Oh no wonder you seem to have put on weight!"

"You look bloated! Having any morning sickness lately?"

"Pregnant allready ha?"

"You've put on weight already.  Your breasts are also big!" - favorite kong si Esther, 1,000 times over pranka yan sa akin

"Parang buntis ka!" (Oo nga no?)

"Malaki na si Audrey, wala pa bang kasunod? Oh meron na?"

Pag sa pag-uusisa, marami...pero pag sa bus na at tatapat ako sa reserved seat for pregnant, eto ang thought cloud ng mga nakaupo...basang basa ko!

"She looks big!  She must eat buffet every weekend"
"Is she or is she not?"
"I don't care. I got this seat first. Better pretend to sleep"
"Ayoh! Pregnant lady...life in Singapore so tough, still want to have baby!"

Wait lang kayo mga pips, lalaki din si baby, wala na kayo excuse.
Buti sa HICAP dati may ID.
Gagawa nga sana ako dito eh, e2 oh, pinagdrawing ako ni Audrey.

Thanks anak. Ang ganda ganda ko sa drawing mo! (di pa malaki ang nose)