Dear Ate Charo,

taong 2001 nang una kong maranasan ang humiwalay sa piling ng aking mga magulang.
tumira ako sa Sampaloc, Manila ng 6 na buwan para sa review ng board exam.


pagkapasa ay lumayo akong lalo, napunta ako sa Sta. Rosa, Laguna kung saan akoy naging manggawa sa isang pabrika.


Dito sa Sta. Rosa, naranasan kong tumira sa tatlong apartment, hanggang sa lumipat ako sa aking sariling Row House sa Lakeside, Cabuyao, Laguna nung May 2004.


3 buwan lang ako sa pinapagawa ko palang na bahay ay lumipat naman ako sa kabilang village, sa Hong Kong. Sa bahay ng aking asawa.


Nagpabakod, nagpaextend, nagpa-grills, tiles…yun na. Ang saya saya ko naman sa aming munting tahanan. Namimiss ko ang orchid garden ko sa HKV. Kaso, lahat ng orchid ko pinabayaan ng asawa ko nung lumayo ako't nagpunta naman sa Singapore taong 2007.


Sa Singapore, tumira ako sa Ghim Moh, sa Eunos, sa Yishun, sa Sembwang, sa Ang Mo Kio at nitong buwan nga, kasabay ng aming pangalawang annibersaryo ng pagiging PR ng aking pamilya, ay lumipat na kami sa aming sariling bahay, sa AMK parin.  Itong bahay na ito ay uupahan namin sa susunod na 69 years dahil lahat ng bahay dito ay pag aari ng gobyerno.  Masasabi ko narin "amin" ang bahay, basta!


Gulo gulo parin ang aming bahay pero ang aking kalooban ay kalmado na. Hindi na ako guguluhin ng mga ka-board mate at ng mga land lord. Hindi narin ako maghihintay pag may nagugustuhan akong bilhin. Dati kasi laging "pag may bahay na ako" kasi pag umuupa ka lang, at palipat-lipat, ayaw mo ng sobrang daming gamit.

Ngayon ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyo Ama, tunay kang matapat! Ang bawat araw ngayon ay mas lalong tumatamis. Papuri sa iyo!

Gumagalang,
Kuripot


"Sampung Taong Palipat-lipat"

1 comment:

  1. Nakaka inspired ate rence...matagal na ko nde nakaka pag blog dahil sa pinagkaka-abalahan ko..mukhang pareho tayo ng kaligayahan..=)

    ReplyDelete