Lunes - d ako pumasok, may UTI ako. Kahit kaya kong tiisin ang sakit, nag leave nalang ako. Kasi kung siya nga 2x a week kung mag leave. Me problema sa landlord, o kaya may sipon. Bakit nga naman hindi ako magleave?
Martes - hindi ko siya ma-follow-up early morning kung kumusta na mga assignment niya. paano late na ako dumarating, mas late pa siya. kung maaga naman, kakain pa ng breakfast niya sa mesa niya. So alangang bastusin ko habang kumakain eh mang hihingi ako ng update.
So umpisa nalang ako magtrabaho, sa dami ng trabaho ko, hindi ko na makuhang kausapin ulit siya. Hoping na gagawin naman niya ang mga trabaho niya. Pero wala akong nakikitang result. Sa kagustuhang matapos na, tinutulungan ko nalang, inaako ko na ang trabaho.
Miyerkules - bandang alas diyes ng umaga, nakita ko na siyang nakikipag chikahan. Samantalang ako'y nahihirapan sa pagtapos ng aking mga responsibilidad. 11:30 lumabas na para mag lunch. (12~12:45 and lunch break namin), 1:30 na wala pa siya. Hapon naman, nawala siyang muli sa desk niya, nung mag photocpy ako, ayun nakita kong muli na siya'y nakikipag chikahan. Pag balik sa desk para magtrabaho, ipinasa niya sa akin ang isang part for evaluation. Aba naman, tulungan mo naman ako no, sambit ko na.
Huwebes- nagising akong masama ang loob. Kaya't nagpasiyang hindi pumasok. Hindi ko narin binuksan ang work mail ko sa bahay. Ako'y hindi masaya talaga.
Biyernes - hindi raw niya maibalik yung reject parts kasi quantity issue daw. E anong problema sabi ko, ewan ko sagot niya. Anong quantity problem? tanong ko, ewan ko nga ang sagot. Sa inis ko, nasabi kong puro ka chika pero quantity issue lang di mo masolusyonan, pinapa-trabaho mo pa sa akin (pabulyaw na, hindi talaga ako masaya). WHATEVER ang nakuha kong sagot. Sabay dampot niya ng sigarilyo niya at layas.
BINABASTOS MO NA AKO ang pahabol kong sigaw.
Ipinagdarasal ko talaga na mawala na siya sa landas ko. Ayaw na ayaw kong nagagalit kasi ako ang natatalo. Napapasigaw ako na hindi dapat. Pero sa isang linggong bastusan, hindi ko nalang napigilan.
Dumiretso ako sa HR. Nagtanong kung puwede ko bang bawiin yung contrata kong isang taon. Bayaran ko nalang yung course ko. Tutal ay nag uumpisa palang. Mag re-resign nalang ako. Hindi dahil binastos ako, pero dahil kinakalinga ng companya namin ang mga bastos. Alam ng boss ko na hindi na ako masaya sa assistant ko, pinagbigyan ko na ng maraming beses kahit pa laging absent kesyo masakit daw ang likod, may aasikasuhin, minumulto (buti nga sa kanya).... pero walang aksiyon si boss. Nag-usap narin kami ni boss. Pag isipan ko daw, sabi ko anong pag iisipan ko? Di mo naman ako tinutulungan.
OK lang naman sigurong umiyak ako sa boss ko. Babae naman ako. Saka totoong sobra na ang trabaho lalo't dagdag pa ang trabaho na dapat ginagawa ng bastos na ito.
Handa na ba akong mawalan ng trabaho? Pasalamat ako at suportado naman ako ng asawa ko.
Pabigla akong nagdesisyon. Hindi nag-isip. Pero kailangan may gawin. Tutulungan naman ako ni Bro. Tiyak yun.
Summer Holiday 2020
4 years ago
No comments:
Post a Comment