Matiyaga Ako!

dapat ay nag-eexpress ako ng milk ngayon.
pero feeling ko sobrang tired ako.
so I will just write away…


hindi nga pala ako kumain ng lunch, except for the 2 small pears.
diet? sana nga diet na yun. tamad is more true!
yan tuloy, lantutay nako.
pagdating sa bahay, lagot, kakain na naman ng madami dahil sa sobrang gutom.

yan ang worst enemy sa pagpapapayat, ang hindi kumain.
when you starve yourself, your body stores more energy rather than burn it.
madali akong magpapaniwala sa mga nababasa at napapanood ko.
kaya pala hanggang ngayon, hindi parin bumabalik ang katawan ko sa kanyang pre-pregnancy state.
today is the first time I let myself starve…lamon ako ng lamon!
kasi sabi you need an extra 500 calories when you are breastfeeding. che!
so anong nangyari sa pag be-breastfeeding will help you loose weight?
oh hindi ko sinasabing wag na mag breastfeed! Liquid Gold is still the best.
actually I read somewhere na makikita lang ang weight loss after 6 months of BF.
Hay, kalerky…but I'm halfway there and I am enjoying every moment of BF.


I'm using a manual Pigeon pump. Nabili ko ng sale sa hospital. $59 from a regular price na $80.
Actually dahil sale, dalawa ang binili ko. Para umabot ng isang taon. Naku, isang buwan palang eh mahina na ang pump. Or mahina na ang gatas ko? Both. I'm forcing myself to believe na at this point, malakas parin ang gatas ko. May malunggay capsules or wala. Really! kasi I can pump 3 oz from one side. Eh sa mga nababasa ko, madami na daw yung 2 oz from both sides. Oh divah? May Parenthood Fair sa weekend, nangangati na naman ang mga paa kong magpunta and guess what kung anong gusto kong bilhin…another pump. Karir na karir! Well if you would compare the price of milk formula to pump cost, it's really all worth it. Aabot din ng $80 ang isang malaking lata ng gatas na kayang maubos ng 3 month old in a week or two. At hindi yan ang main reason kung bakit ko kinakarir ito. Dahil bakit ko papainumin ng gatas ng baka ang anak ko kung meron naman akong gatas? I think the Pigeon pump is worth it. Natatawa ako sa mga reviews ng ibang mommy na mega sakit daw ng mga kamay nila sa kakapump. Try kaya nila magpump ng poso ng tubig. I plan to buy the Avent manual pump. Ok ang mga reviews niya. It's a bit more expensive, more than $100. Pero compared naman sa mga electric pump na $200 pataas. Sabi ng marami, pang occassional use lang daw ang manual pump. Di naman! I use mine 4X a day, 5 days a week. Kung afford niyo ang electric pump, di go! Kuripot Matiyaga ako eh.


Kakalito ang BM storage guidelines. A few years ago, they could store BM in the fridge for upto 7 days. Pero ngayon, 24 hours nalang ang nakalagay sa mga recommendations. But these are recommendations of companies of formula milk or bottle feeding items. Para ba mahirapan ang mga mommy at mag formula nalang? Buti I stumbled on one article which said that in the experiment, BM quality is maintained even after 4 days in the deep area of the fridge. Wag daw ilagay ang gatas sa pinto ng ref kasi pag madalas binubuksan, pabago bago ang temperature. So I keep my EBM in a Fridge-to-go bag. May dalawang cooling blocks na fini-freeze ko sa gabi. Pag dating ko dito sa office, nilalagay ko yung isa sa freezer sa pantry and put it back in the bag lunch time. Mabilis kasi siya matunaw pero kahit tunaw na, malamig parin naman. It's cool maghapon kasi aircon naman sa office. Yung pump ko, I also leave it inside the bag. Di ko na hinuhugasan after expressing. I find this more hygienic than cleaning your pump every after use. Baka kung anong bacteria pa ang meron sa panglinis na water. Sterilize ko lang siya at night. Mas madali din kasi maluma ang pump accessories sa kaka-boil. Merong mga sterilizing tablets, ibabad mo lang sa water. Pero this is chemical, so I still do the traditional pakulo. Meron nga akong steam sterilizer pero mahal kasi ang kuryente eh and di ata kasya lahat ng gamit ko doon. Di ko pa nasubukan, ma try nga sa bakasyon.


Ang haba na nito. Well, I just wanted to write how/what I'm going through now. Baka sakaling may isang mommy na makabasa nito and makatulong. I have learned so much from reading other blogs and forums. Minsan kasi yung mga lactation websites, pare parehas ang nakasulat. Mas maganda at nakakatulong yung sharing ng mga mommies. Oh and if any daddy reads my blog, you'll be able to help your wifey.


Happy Breastfeeding!


Hubby snapped this photo early morning just after Aeden finished feeding (batchoy ko!)


3 comments:

  1. Yes, mommy Rence, you're helping a mom-to-be here by writing your thoughts and sharing your experiences. :)

    ReplyDelete
  2. Hello Apol, how many months na? i-karir mo rin ha hehehe

    ReplyDelete
  3. 7 months na. :) yes, i'll start pa nga lang magbasa ng about sa breastfeeding.

    ReplyDelete