A Family that Stays Together....

Gets sick together!

Audrey started coughing after Halloween. She ate more sweets than she is supposed to. My daughter's tonsils are very sensitive. If she eat sweets, it gets inflamed FAST. But she is just a kid! So she had sore throat and started coughing. Made worse by her busy activity due to Kindergarten Graduation. It was my first time to see my daughter perform on stage. So that is how a mother feels!!! Fantastic.

Since we stay together in our small flat and we love to hug tight and kiss, Aeden started sniffing, then next thing, I have chills and fever. The next week after, dear Daddy is also coughing. Last Monday when I came home, my mom sounded like she just cried. I thought she cried over the telenovelas she's watching. Actually, she has bad flu! Poor Lola had runny nose and headache.


Tuesday morning I saw a red spot on Audrey's face. I checked her back and was surprised to find more. It was chicken pox. Damn! I had her immunized when she was little, why now? She needed to be isolated so she and daddy are now sleeping in the living room. She just peeps at the bedroom door to say her good night to me and Aeden. It is heart breaking. I haven't had chicken pox so I dare not kiss or hug my girl. Her pedia warned me last time that I should get immunized more than my daughter as I am in more danger than the baby.


Saturday night, Aeden develops low fever. He had a hard time sleeping and so did mommy of course. On Sunday, he has red patches already. Oh no. My young boy has chicken pox! Please Lord, spare him. Until today, his red patches come and go. Hopefully the antibodies from my breastmilk do wonders for him. He's too young to be sick.


Matiyaga Ako!

dapat ay nag-eexpress ako ng milk ngayon.
pero feeling ko sobrang tired ako.
so I will just write away…


hindi nga pala ako kumain ng lunch, except for the 2 small pears.
diet? sana nga diet na yun. tamad is more true!
yan tuloy, lantutay nako.
pagdating sa bahay, lagot, kakain na naman ng madami dahil sa sobrang gutom.

yan ang worst enemy sa pagpapapayat, ang hindi kumain.
when you starve yourself, your body stores more energy rather than burn it.
madali akong magpapaniwala sa mga nababasa at napapanood ko.
kaya pala hanggang ngayon, hindi parin bumabalik ang katawan ko sa kanyang pre-pregnancy state.
today is the first time I let myself starve…lamon ako ng lamon!
kasi sabi you need an extra 500 calories when you are breastfeeding. che!
so anong nangyari sa pag be-breastfeeding will help you loose weight?
oh hindi ko sinasabing wag na mag breastfeed! Liquid Gold is still the best.
actually I read somewhere na makikita lang ang weight loss after 6 months of BF.
Hay, kalerky…but I'm halfway there and I am enjoying every moment of BF.


I'm using a manual Pigeon pump. Nabili ko ng sale sa hospital. $59 from a regular price na $80.
Actually dahil sale, dalawa ang binili ko. Para umabot ng isang taon. Naku, isang buwan palang eh mahina na ang pump. Or mahina na ang gatas ko? Both. I'm forcing myself to believe na at this point, malakas parin ang gatas ko. May malunggay capsules or wala. Really! kasi I can pump 3 oz from one side. Eh sa mga nababasa ko, madami na daw yung 2 oz from both sides. Oh divah? May Parenthood Fair sa weekend, nangangati na naman ang mga paa kong magpunta and guess what kung anong gusto kong bilhin…another pump. Karir na karir! Well if you would compare the price of milk formula to pump cost, it's really all worth it. Aabot din ng $80 ang isang malaking lata ng gatas na kayang maubos ng 3 month old in a week or two. At hindi yan ang main reason kung bakit ko kinakarir ito. Dahil bakit ko papainumin ng gatas ng baka ang anak ko kung meron naman akong gatas? I think the Pigeon pump is worth it. Natatawa ako sa mga reviews ng ibang mommy na mega sakit daw ng mga kamay nila sa kakapump. Try kaya nila magpump ng poso ng tubig. I plan to buy the Avent manual pump. Ok ang mga reviews niya. It's a bit more expensive, more than $100. Pero compared naman sa mga electric pump na $200 pataas. Sabi ng marami, pang occassional use lang daw ang manual pump. Di naman! I use mine 4X a day, 5 days a week. Kung afford niyo ang electric pump, di go! Kuripot Matiyaga ako eh.


Kakalito ang BM storage guidelines. A few years ago, they could store BM in the fridge for upto 7 days. Pero ngayon, 24 hours nalang ang nakalagay sa mga recommendations. But these are recommendations of companies of formula milk or bottle feeding items. Para ba mahirapan ang mga mommy at mag formula nalang? Buti I stumbled on one article which said that in the experiment, BM quality is maintained even after 4 days in the deep area of the fridge. Wag daw ilagay ang gatas sa pinto ng ref kasi pag madalas binubuksan, pabago bago ang temperature. So I keep my EBM in a Fridge-to-go bag. May dalawang cooling blocks na fini-freeze ko sa gabi. Pag dating ko dito sa office, nilalagay ko yung isa sa freezer sa pantry and put it back in the bag lunch time. Mabilis kasi siya matunaw pero kahit tunaw na, malamig parin naman. It's cool maghapon kasi aircon naman sa office. Yung pump ko, I also leave it inside the bag. Di ko na hinuhugasan after expressing. I find this more hygienic than cleaning your pump every after use. Baka kung anong bacteria pa ang meron sa panglinis na water. Sterilize ko lang siya at night. Mas madali din kasi maluma ang pump accessories sa kaka-boil. Merong mga sterilizing tablets, ibabad mo lang sa water. Pero this is chemical, so I still do the traditional pakulo. Meron nga akong steam sterilizer pero mahal kasi ang kuryente eh and di ata kasya lahat ng gamit ko doon. Di ko pa nasubukan, ma try nga sa bakasyon.


Ang haba na nito. Well, I just wanted to write how/what I'm going through now. Baka sakaling may isang mommy na makabasa nito and makatulong. I have learned so much from reading other blogs and forums. Minsan kasi yung mga lactation websites, pare parehas ang nakasulat. Mas maganda at nakakatulong yung sharing ng mga mommies. Oh and if any daddy reads my blog, you'll be able to help your wifey.


Happy Breastfeeding!


Hubby snapped this photo early morning just after Aeden finished feeding (batchoy ko!)


My Third Eye

Malakas talaga ang "intuition" ko.  Sabi nga ng kaibigan ko, may third eye daw ako.
Nung college ako nung nag bye bye na kami ng aking first BF, alam na alam ko kung masasalubong ko siya sa Session Road.
Nakakaramdam ako ng kakaiba at bongga, yun na nga siya, malayo palang kita ko na.
Nakakatuwa kaya lang minsan, kasama na niya yung babaeng mega kung maglipstick hahahah (sour-ness pa?)


Nakakakita/nakakaramdam din ako ng mga MULTO!
Oo nung nasa Sagada kami ng HS barkada ko.
Takot sila lahat tumabi sakin kasi bigla akong may nakikitang kung ano ano.
But I have "closed" that eye na.
Shooo na lahat ng mga multo, di ko kayo type ano.


Dahil sa kinakarir ko ang pagpa-pump ng gatas ni Aeden kahit na nagtatrabaho na ako, ayan gumana na naman!
Ayaw ko na kasi gawin ang project ko sa TOILET!!!
Kasi kahit kegaganda at ketataas ng mga skirt at heels ng mga nasa admin, ambabaho ng mga poopoo nila.
Yes, minsan nasusuka na ako. Bakit kasi kelangan pa nilang gawin yun sa office? Pag gising kasi dapat dumumi na! Sa bahay….
Walang breeding ang mga insektong to!


So mega hanap ako ng secluded corner. Walang iba kundi ang helium room na nasa tapat lang ng mesa ko.
OK nagdala ako ng wall paper para masaraduhan ko ang salamin sa pinto.
Hinahanap ko yung Engineer in-charge para naman makapag paalam.
At ang aga namang pumasok ng clean room.


Kaya sige, kinabit ko na ang papel.
Naku oras na ng project, wala pa siya.
So, dapat stick to schedule, kaya pumasok nako at naglock.
Pawisan ako kasi normally wala naman sila sa office, lagi sa production.
Bakit today, rinig ko silang lahat sa labas? Naku laking takot ko na may kailangan sila sa room at pumasok.
Huwag naman pleaaaase...pero feeling ko talaga mangyayari eh.

Midway of my project…the door knob clicks!


SHET! di ako nagmumura sa totoong buhay.
So naghuhulaan sila sa labas kung sino ang nasa loob at bakit nakalock, binaba ko ang shirt ko at lumabas.
"Sorry, I'm using the room." I felt my blood rush to my cheeks. Gawang Baguio girl nga ako, rosy cheeks.
Pati sila nahiya sa pangyayari. 6 MALE engineers!!!! Discovered my innovative project hahahaha.
Bumalik ako sa loob para ituloy, intsikan sila ng instikan, hagikhik ng hagikhik. Nahiya tuloy ang milk lumabas :-(


Naku Aeden, pag laki mo ikukuwento ko to sa iyo.
Gusto ko na matunaw on the spot.


Well, gusto ko paring ituloy ito. Pero dahil sa stress/pagod, kulang na ang na-eexpress ko.
I could do 7 ounce on one side dati pero ngayon 2 ounce nalang from 2 sides pa.
Aeden needs 3 ounces every 3 hours.
I've been taking Malunggay capsules but has no effect. 2 capsules every morning.
Now I read a study at the Ospital ng Maynila that they gave 2 tablets 3X a day to increase breastmilk.
Haaay….kelangan pala nilalaklak ang malunggay. Masubukan nga.
At simula sa Lunes, di na muna ako magmamadaling umuwi ng tanghali.
Pahinga muna si Mommy.