Dahil nga may audit, nag extend nalang ako at sumunod nalang si Dong sa Insadong! Dong ang palayaw ni Luigi. Pangalan daw ng isang Chinese Olympic player nung pagkapanganak niya kaya yun ang palayaw niya. Actually dapat Apollo ang pangalan ni Luigi, kasi nagland ang Apollo 11 sa moon nung siya'y ipanganak. Insadong according to my suppliers is the cultural center in Seoul. Good location daw. I found this hotel through Zuji.com. Hindi siya classy hotel, just good for sleeping. D pa nga gumagana yung remote ng TV eh hahaha. Kung tutuusin mahal parin yung charge nila, kasi wala namang breakfast. But I shouldn't be comparing kasi I get good hotel rates due to supplier discount rates. Pag commercial rate, sulit narin nga ang Hotel Crown. And I've noted that all 3 hotels I've stayed in Korea are really clean. D tulad ng mga ibang hotel na may pangalan at may mga stars pa, me amoy ang mga carpet...ah carpet, actually walang carpet sa mga napagtuloyan kong hotel sa Korea. Yun siguro ang difference.
Anyway, go na to celebrate our 5th year wedding anniversary!
Just across the road from Hotel Crown, parang art street siya. Tourist spot "Insadong" road. Maraming mga tindahan ng souvenir. Maraming tinda. Sa Samzie market, freedom wall ang lahat ng wall.
Ayan, naki freedom wall narin ako. Labo ng kuha.
Ayan, naki freedom wall narin ako. Labo ng kuha.
2 days lang kami. E2 yung naging IT namin.
Changdeokgung Palace - pinaka maganda na raw itong palace sa Seoul. Hmmm...it is very dry. maalikabok. Wala man lang flowers eh ang ganda naman ng weather. Pero and laki laki ng palace. Papasok ka lang together with tour groups. Japanese, Korean and English. 11:30 pa yung English group, so sumabay narin kami sa mga Hapon. Hindi ka basta basta puwedeng mag gala sa loob, maraming security guard. Lagi kaming huli kasi mega picture blues pa kaming mag asawa.
Lunch Time - balik Insadong kami. Nag order kami ng traditional Korean meal. May Konting drama over lunch.
Problema ko - until hindi siya mag sorry, hindi ko siya napapatawad, nakaukit sa puso ko yung incident na yun
Problema niya - never siyang nagsosorry ng kusa
yan ang problema naming dalawa (ang dami nang nakaukit sa puso ko ha)
Around Insadong
Ang saya, kausap ko yung Koreanong photographer ng baluktot kong Chinese, kausap naman ni Dong sa baluktot niyang Japanese. Nagkaintindihan kami. Ready ang picture in three minutes for 30 Sing Dollars.
puro lakad...kakapagod. D na kami nag train kasi naman tig iisang station lang. Sayang pamasahe at oras na pagbili ng ticket, wait for the train, sabay hanapin kung saang exit...nalilito kami sa orientation. So ang sakit ng mga binti ko. Pero masaya.
Gyeongbokgung Palace - 6 pm daw ang closing nito so nagmadali kami, aba 5 pm palang andun na kami pero sarado na. sa tabi tabi nalang nag picture. buti katabi lang yun National Palace Museum of Korea which was free entry for this year only due to centennial celebration of the museum. It was so dark inside.
We took the train for our next destination. Aba sa subway pala, mas makikita yung mga nasa loob ng museum. Pictures nalang, pero at least mas maliwanag. Mas madaling mag picture haaay.
Dongdaemun - shopping district. mamimili sana kami. strangely, all shops are closed at 7 pm. Eh nung isang gabi, dinala ako ng supplier ko dito, 10 pm na may nabili pa yung kasama ko. sabi ko bukas nako mamimili para kasama ko si Dong. Bakit kaya ganun? So we went to Doota, buti open yung mall, hanggang 5 am daw. Nabili ko narin yung Hanbok na para sa mga pamangkin ko. Puros socks ang mga nabili namin. Ang gaganda ng mga tinda, kaso pang winter naman. Naku po isa lang ang season sa Singapore...hot and humid summer all year.
No comments:
Post a Comment