Sukdulan na

Nahihiligan kong bumili ng "dress". Gusto ko man sanang mag dress o skirt araw araw sa office katulad ng marami dito sa Singapore, kaso hindi nga ako sanay. Kasi naman sa Pinas, naku sisipolan ka pag naka skirt, at pag nakadress, tatanungin ka kung magsisimba ka ba. Oo ganyan ang mga naexperience ko sa HICAP nung bago pa ako't nagsusuot pa ng dress at skirt.

Pero merong mga kakaibang interpretation ang mga tao kapag nagdedress ako:

wearing my Pepper Plus Pinkie (PPP) - tanong ng hipag ko, buntis ka? tanong ni Krister, ate may kasunod na si Audrey? when all the while I thought I was sexy (ouch) kasi maiksi yung dress na halos blouse nalang siya kaya naka-mini ako. haaay. but i still love my PPP.

wearing my Coat's Top - I love your top sabi ng Sis Grace ko...eh maarte sa damit yun so I really felt good after her comment. Tanong ng manager dito, in action na shinape niya yung tummy niya through his hands, preggy? Hay naku, super sexy nga feeling ko nung araw na iyon kasi naka skinny jeans and heels ako. Hmmmph!

wearing my Orange Cleopatra Shift Dress - wearing all black today? ha??? eh naka black tights kasi ako and black sweater, aba hindi napansin yung dress ko. Going home, I boarded a bus, aba inooffer sa akin yung reserved seat for the pregnant and elderly...oh no.

Wearing my fave jeans and normal shirt - kaka ML mo lang ba? tanong ng kaklase kong Pinay sa CQE class. Haaaaay

Sukdulan na ito. Sobrang laki ng tummy ko...everybody thinks I'm pregnant.
Hayaan niyo, gagawa na nga ako ng kasunod ni Audrey. At pag nailuwal ko na, diretso ako sa weight management clinic para maging sexy na ako. Magastos yun ah, eh kung magpakagutom nalang kaya ako, malaki pa ang matitipid namin. NO WAY! hahaha I love to eat no!

Busy Day

Super busy day......30 minutes mag upload ang sangkatutak kong e-mail. Basa at sagot ng mga e-mail for an hour. Tapos may conference call with customer, antay ng 20 minutes, buti hindi siya tumawag, walang additional work item, dahil hindi ko pa nakoclose mga pinapa implement niyang Process Average Testing, Statistical Yield Analysis at Statistical Bin Limits. Hay naku, X-bar-R chart lang ang alam ko no. Ano yang mga ek ek na yan. Tapos balik sa warehouse, naku yung sample run ko, may problema Delamination. Talagang mahirap tong hinaharap kong issue. Kasi sabi nung supplier ko nung last naming nag usap, kung sa corrected lot eh may delamination ka parin, hanap ka na ng ibang supplier, hindi na kita susupply-an. Ayan tumawag kami with the Purchasing Manager, inulit yung sinabi niya. Sorry I can't support you anymore. Tawag ako ni Director, meeting daw sa traceability. Need it by today. Commit Commit sige commit. Octopus ba ako? Alam ko dalawa lang ang kamay ko. May sugat pa yung isa kaya medyo handicapped.

God, I commit to you this day. Holy Spirit, I need your gift of wisdom, knowledge, understanding....lead me Lord.

Day 2 of Dong in Insadong

IT for our second day in Seoul.
Sobrang lapit ng park na ito sa hotel namin. D ko na matandaan yung pangalan. Naalala ko ang Baguio Igorot Park dito. Parehas kasi. Maraming tambay na matatanda at....mapanghi. Mapanghi ang mga streets sa Seoul, kasi maraming senglot sa gabi. Hindi na nila alam ang mundo nila so jingle nalang kahit saan.

Lakad lang kami. There is a theatre here called JUMP. Next time maybe we can go see the shows. Kaninong palm yun? Aba ewan.

Chonggyecheon stream. This place is very interesting. Kasi tinabunan na itong stream na ito para gawing road, pero lately lang hinukay ulit, to ease traffic. Pano? kasi ginawa siyang pedestrian. So baybayin mo itong 6 Km stream na ito, nadaanan mo na ang buong downtown Seoul. Ang linis ng tubig, walang amoy. May mga isda pa. A refreshing place for urban pips.


Marunong na magpicture si Dong! Tinuruan ko yan...hehehe

Ay feeling ang lola!

Sa daan parin yan. The crooked post is interesting. Hindi kailangan maging balakid sa road ang poste. We prefer walking when we go some place kasi mas marami kang nakikita. Pati yung culture ng lugar malalaman mo rin. We had Ice cream from 7-11 on the way. Sunday, talagang deserted ang streets. Sarado lahat. Siguro nasa church lahat. 60% daw ng Koreans are Christians. Yes I remember nung bata ako na meron kaming mga missionary na Koreans.

Sa Namsangol Traditional Folk Village na ito. Mas energetic dito compared to the palace we first visited. Mas interactive, may mga activities. Meron pa ngang wedding nung day na iyon so marami kaming nakitang mga naka traditional costume.

Natatawa si Dong sa dalawang red dot sa cheek nung bride. Habang naghahanap kami ng souvenir later, yung mga dolls may red dot talaga sa cheeks. Tradition nila eh, makulit tong si Dong.
hmmmm. Kimchi. Last Sunday lang gumawa ako ng radish preserve. Natikman namin sa Korea. Masarap pero ang baho! amoy utot. I will make it again pero dapat konti konti lang kasi habang tumatagal nakababad sa suka, bumabaho. Tuwing bukas ng ref namin this week, parang may umuutot...halos amoy na patay na daga na.

Dito sa Namsangol may mas murang picture for the traditional clothes. 1,000 won lang ang rent sa damit, unlimited pictures sa sarili mong camera. Pero mas OK parin yung sa studio. Sabi ko lang yon sa sarili ko para hindi ako manghinayang sa 25,000 won na binayad ko for 1 picture.

Meron nga dito libre eh, yung mga life sized pictures na may face cut out na ilalagay mo nalang yung mukha mo. Merong mga cultural shows sa village na ito pero by schedule.

Lunch time na... next destination namin is Myong Dong shopping street. Sa bukana ng shopping street, marami nang kainan. Nag inarte kaming mag asawa na dapat seafood ang kainin, dapat barbeque. Umabot na kami sa kabilang dulo, alas 2 na ng hapon, tuyo na mga bibig at lalamunan namin, mahihimatay nako sa gutom...wala kaming nakitang seafood. We settled for a japanese resto, fried fish and chicken lang ang menu.... hihimatayin na talaga ako sa dismaya. Sige na nga kain nalang. Enjoy dinner nalang later.

We went around City Hall (na under renovation) lakad and picture sa mga unique na buildings.

Then we headed for N Seoul Tower.

Aakyat sa tower via two rides ng cable car. Yung unang sakay libre, yung susunod may bayad. Dapat maingat pag bumili ng ticket, kasi may one way at round trip. Kung one way lang bibilhin mo, lalakad ka sa Zig Zag road pababa ng mountain. Maganda siguro ito kung may time at type mo ang nature. Parang awa mo na Dong, hindi ko na kayang maglakad pa. i round trip mo na yan.


Upon reaching, magtatakipsilim na. So madali kaming nag view and picture ng Seoul. Simple lang ang Seoul. Feeling ko talaga nasa Baguio lang ako. Excep siyempre yung mga high rise buildings nila. Andito rin yung Teddy Bear Museum, na akala ko is a collection of bears. Yun pala yung history ng Korea is depicted using teddy bears as the characters.
Dito rin makikita ang LOVE padlocks. sandamakmak na mga lock ang pinagkabit kabit sa fence around the tower. Na-feature daw ito sa Balitang K sabi ni Dong. First time ko makakita ng ganito. Now I learn na this is practised all over the world. These padlocks are supposed to symbolize the lover's commitment to each other. How meaningful for Dong and I as we are celebrating our anniversary here.


We waited for the night to have a chance to see the lights of Seoul. Namatay na naman yung camera namin. Kaya pala pilit ng pilit yung saleman na bumili kami ng extra battery dati. Buti kaya pa ng cell phone ko.

Seoul at night as seen from Mt. Namsangol where the N Seoul Tower stands 777 feet high from it's base. Courtesy of my Sony Ericsson camera phone. I love my phone! I took 432 pictures in Korea using my phone alone.


From the tower, we headed home. This time nag train na kami kasi hindi ko na kaya. We rested for a while then headed out again for dinner. Anong dinner natin? Alas diyes na ng gabi. Yung malapit nalang sa hotel. Siyempre dapat seafood barbeque. Sige maghanap kayong mag asawa. Sarado na halos. So we had to settle for street food. Dun sa mga nag-iinuman. Pulutan lang nila, dinner na namin. Ang sarap ng sea shells na ito. Pinakulo lang. 11 pm na kami nakakain. Isang oras kaming umikot ikot.
Dong and I had a wonderful time in Korea. Second oversea trip namin ito together. I noticed many changes sa asawa ko after this trip. We are more in love siyempre, tapos excited na siya for another trip. Samantalang dati ako lang nagpupumilit jan mag explore ng other places. Lagi lang kaming nasa Festival Mall sa Alabang dati. Saturday and Sunday, every week...haaay. So sa Japan daw ba kami or sa Thailand next year? Ang yabang, may pera ka ba Dong? Wala pero ikaw marami...hahaha. Kainis. Medyo ok ok narin ang planning ng asawa ko. Dati kasi kung may pupuntahan kami, since ako ang nag initiate, dapat alam ko kung paano pumunta doon. Wala siyang pakealam. Sa loob loob ko lang, siya ang lalaki dapat siya ang guide. Hay naku laging sablay, pag nagtanong ako ng direction, ang kulit kulit daming tanong, walang sagot, naiinis ako pag ganun. On both oversea trips namin, clear ang instruction ko. Siya bahala sa IT, susunod lang ako. OK naman ang practice niya sa Taiwan and Seoul. Hindi rin mahilig magpapicture yan. Pero ngayon, kahit okray, nagpipicture kaming dalawa, wala pa kaming tripod...sabi nga ng office mate ko, your husband looks very happy in your pictures. Naman...weekend in Seoul hindi pa ba siya sasaya.
Magastos turuan si Dong! Pero worth it.








Dong in Insadong

Hindi pa naman October 8. So bakit nagcecelberate na kami ng aming 5th year wedding anniversary? Para makatipid! Kuripot nga eh.

Dahil nga may audit, nag extend nalang ako at sumunod nalang si Dong sa Insadong! Dong ang palayaw ni Luigi. Pangalan daw ng isang Chinese Olympic player nung pagkapanganak niya kaya yun ang palayaw niya. Actually dapat Apollo ang pangalan ni Luigi, kasi nagland ang Apollo 11 sa moon nung siya'y ipanganak. Insadong according to my suppliers is the cultural center in Seoul. Good location daw. I found this hotel through Zuji.com. Hindi siya classy hotel, just good for sleeping. D pa nga gumagana yung remote ng TV eh hahaha. Kung tutuusin mahal parin yung charge nila, kasi wala namang breakfast. But I shouldn't be comparing kasi I get good hotel rates due to supplier discount rates. Pag commercial rate, sulit narin nga ang Hotel Crown. And I've noted that all 3 hotels I've stayed in Korea are really clean. D tulad ng mga ibang hotel na may pangalan at may mga stars pa, me amoy ang mga carpet...ah carpet, actually walang carpet sa mga napagtuloyan kong hotel sa Korea. Yun siguro ang difference.


Anyway, go na to celebrate our 5th year wedding anniversary!

Just across the road from Hotel Crown, parang art street siya. Tourist spot "Insadong" road. Maraming mga tindahan ng souvenir. Maraming tinda. Sa Samzie market, freedom wall ang lahat ng wall.

Ayan, naki freedom wall narin ako. Labo ng kuha.


2 days lang kami. E2 yung naging IT namin.



Changdeokgung Palace - pinaka maganda na raw itong palace sa Seoul. Hmmm...it is very dry. maalikabok. Wala man lang flowers eh ang ganda naman ng weather. Pero and laki laki ng palace. Papasok ka lang together with tour groups. Japanese, Korean and English. 11:30 pa yung English group, so sumabay narin kami sa mga Hapon. Hindi ka basta basta puwedeng mag gala sa loob, maraming security guard. Lagi kaming huli kasi mega picture blues pa kaming mag asawa.


Lunch Time - balik Insadong kami. Nag order kami ng traditional Korean meal. May Konting drama over lunch.

Problema ko - naiinis ako pag makulit siya. inexplain ko na nga kung anong mga kasama sa meal package. Marami paring tanong. Nag pakita ko ng attitude.

Problema niya - pag nagpapakita na ako ng attitude, naiinis na siya at hindi nagsosorry.

Problema ko - until hindi siya mag sorry, hindi ko siya napapatawad, nakaukit sa puso ko yung incident na yun

Problema niya - never siyang nagsosorry ng kusa

yan ang problema naming dalawa (ang dami nang nakaukit sa puso ko ha)


Around Insadong

Ang saya, kausap ko yung Koreanong photographer ng baluktot kong Chinese, kausap naman ni Dong sa baluktot niyang Japanese. Nagkaintindihan kami. Ready ang picture in three minutes for 30 Sing Dollars.



puro lakad...kakapagod. D na kami nag train kasi naman tig iisang station lang. Sayang pamasahe at oras na pagbili ng ticket, wait for the train, sabay hanapin kung saang exit...nalilito kami sa orientation. So ang sakit ng mga binti ko. Pero masaya.


Gyeongbokgung Palace - 6 pm daw ang closing nito so nagmadali kami, aba 5 pm palang andun na kami pero sarado na. sa tabi tabi nalang nag picture. buti katabi lang yun National Palace Museum of Korea which was free entry for this year only due to centennial celebration of the museum. It was so dark inside.



We took the train for our next destination. Aba sa subway pala, mas makikita yung mga nasa loob ng museum. Pictures nalang, pero at least mas maliwanag. Mas madaling mag picture haaay.


Dongdaemun - shopping district. mamimili sana kami. strangely, all shops are closed at 7 pm. Eh nung isang gabi, dinala ako ng supplier ko dito, 10 pm na may nabili pa yung kasama ko. sabi ko bukas nako mamimili para kasama ko si Dong. Bakit kaya ganun? So we went to Doota, buti open yung mall, hanggang 5 am daw. Nabili ko narin yung Hanbok na para sa mga pamangkin ko. Puros socks ang mga nabili namin. Ang gaganda ng mga tinda, kaso pang winter naman. Naku po isa lang ang season sa Singapore...hot and humid summer all year.



Local Market - hindi papalagpasin ni Dong ang mga local food. Kaya we had to try. Hmmm...tenga ng baboy, paa ng baboy, anong lasa? wala! pinakuluan lang. Oh well, worth the try.



Day 2 - to be continued....