Showing posts with label Trabaho Naman. Show all posts
Showing posts with label Trabaho Naman. Show all posts

Sad for my Friend

e-mail ko kay hubby....

hala daddy a very sad thing happened.



alam mo yun friend ko na mommy, nagpupump parin ng milk dito sa work.


meron siyang small room na kinover din niya ng paper like I did.


this morning, napansin nun MD dito, e bukas ilaw.


tinry daw buksan pero naka-lock.


tumawag ng facilities at pinabukas…so nagsalita siya na andito ako sa loob sandali lang.






pinabaklas daw ni MD yung cover na papel.






tapos sinabihan siya ng HR na nagalit daw si MD…tsk tsk di man lang dinefend ng HR ang heartless hearless…naiyak siya na magshare sa akin. so sinabi ko nga rin maraming beses nangyari sakin na may pasok sa room…ask nila bakit naka-lock…pero grabe nangyari sa kanya!






no choice siya sa toilet nalang daw sabi ng HR…may banat pa HR, bilisan daw niya magpump. so sad :(


GUSTO KO SUMIGAW AT MAGWALA!!!

Holiday Inn, Qingdao, China

Napapagod nako ha! Linggong-linggo, kelangan maaga gumising at punta sa airport para lipad na naman sa ibang lugar. haayz!

Home away from Home in Qingdao is Holiday Inn.  Kala ko nun cheap ang Holiday Inn, kasi may holiday supermarket malapit sa barangay namin dati.  Super lumang building hehehe.  I've stayed once in Holiday Inn in Tianjin and my initial thought is totaly wrong.  Totyal din pala ang Holiday Inn...


Lobby

The Pillows had SOFT and HARD tags on them

I enjoyed this warmly lit wash basin

huh? bakit ako may ganitong picture? windang na kasi....

Scenic Elevator, parang roller coaster ang feeling

refreshing view, narelax ang aking pagod na mga mata

Qingdao City Area, daig pa ang Seoul

Qingdao is a Sailing city.  It has hosted the Sailing competition of the Olympics.  Dito original ang word famous Tsing Tao beer which tastes good.  During summer daw, yung mga tao dito bibili ng beer at ilalagay sa plastic at iinumin using straw.  Parang softdrinks sa Pinas.  There used to be many Germans daw dito.  Para ka ngang nasa Europe pag nasa China ka.  Hindi lang luxury brands ang kinokopya nila...mismong bansa or famous cities.  True, I have seen Rome Metropolis, ongoing construction pa siya pero ang mga bahay, talagang European. 


This is Jiaozhou Bay Bridge which just opened in June 2011.  It is currently holding the Guinness World Record for Longest Bridge over water.  It's not where our vehicle is but the one on the horizon.  Iba talaga sa China...I have never imagined ganun ka advanced sa China.  Kasi panay ang nakikita ko lang sa news about China is the poor, dirty and forsaken places. 

A Walk Around Baijia Lake

I have a two week schedule in China.  I have one free Saturday to spend for myself.  Sunday would be spent flying to the next city :-(.

If I were in Taiwan or Korea, I would have planned a good Saturday exploration.  However, until now, after many trips to China, I still confine myself to places nearby my hotel.  Reason being....I can't speak Mandarin! 

So on my free Saturday, I just roamed around Baijia Lake.  I had great quiet time but I really miss my family.  Spent the whole morning walking and just slept the whole afternoon.

Sosyal ang mga bahay sa tabing lawa



This is the vast 3 Phoenix Park


Booming China

I saw Cat's Tail, Lovely
Ugly Caterpillars...soon to be Beautiful Butterflies


Nice...Kids were roller blading (I miss my Audrey mooooore)



Loving Parents and Grandparents with the Kids



Sunog!
 As I mentioned in my previous entry, I would post the photo of my super 20 minutes Ham and Egg sandwich.  You ordered Ham and Egg, so there! It has Ham and Egg! No tomato, no lettuce, no pickle, no mayonnaise, no ketchup.  Just your burned bread with ham and egg.  Thanks to the Chef, he made my gloomy Saturday more fun! hahahaha

Hotel Hopping

As my job requires me to travel at least twice a year (sana walang recession), nakakaexperience akong mag stay sa mga maganda at di kagandahang hotel.

Here is a looooooong post (tutal naman madalas wala akong time mag blog) on my recent travel cribs.  Hotel lang ang maisusulat ko kasi walang pasyal na nagaganap pag nagbibiyahe ako :-(

Chalon Hotel - Jiaxing, China
USD $60
I wasn't expecting much for this value but I was impressed when I entered my room. 



I think there are two buildings for this hotel, my room was in the new building.  The only odd thing is that the elevator is quite far from the reception/lobby.  The free breakfast was so so, the place is quite old and run down, must be in the old building. 

I like the view from my room.


Ang bathroom ng hotel dapat sosyal. Pasado!

bakit may glass? para makanood ng TV?
laging maganda ang feeling ng nagsasalamin
lovely japanese doll poster above the loo
After a long day of auditing, magdidinner pa!  Need to entertain pa ang mga Presidente, Bise Presidente...lahat ng kausap mo Manager...hirap ng trabaho ko ha.

Time to rest.  Walang amoy ang mga pillow, patay ang AC dahil maulan at malamig sa labas, tahimik...ZzzzzZzzzz.

i love the reading lights

Sobrang haba na pag dadagdagan ko pa.  Another post nalang yung other 3 hotels.

** bakit ba ayaw umayos ng alignment ng mga pictures ko? lahat naman nakacenter...

Busy

Auditor in action in a Blank Factory in Yantai, China

Back to School Na, ANG SAYA

This year, the Lord has greatly blessed me. (Every year naman eh)
April ang bigayan ng increase ng suweldo namin.

I have prayed for a specific amount na sana maabot ng sahod ko at ibinigay talaga ni Lord. Sakto walang singkong duling na labis o kulang.

Bilang pasasalamat sa increase at pagdiwang parin ng aking kabuwanan, ipinadala ko yung dagdag sa sahod ko sa aking pamangkin para bumili ng mga school supplies para sa nangangailangan naming kamag-anak.

Here's a look at our Back to School Charity Stint:

Mga Pamangkin Ko - Solikawkaw and Kimi
Ngarag na ngarag sila sa kakulitan ko.
Busy sa school at sa work ang mga dalaga
pero they were so nice to help me.

School Supplies for one Grade 2 and one First Year High School

when I saw this photo...naiyak ako.

My Father is old na...kasi naglalagi lagi sa kanyang farm.
Here he is instructing his apo...araw araw ka magpalit ng panty ha hehehe
eeew


Another helper, si Itong pamangkin ko din.


Simpleng kawang gawa na sana maulit pa at mapabongga in the future.

Sana masabi ng dalawa kong pamangkin, Back to School na, ANG SAYA!

For YOU are simply AMAZING...

Things To Do

Broke in China

I was in China for 5 days for another Subcon audit.
It was my first time to stay in Beijing.
I first set foot in Beijing in 2008 during the olympics but only in transit.

As my little boy is still so young, I planned a very short trip. No weekend.
So I did not bother looking up of what I can do and see in Beijing, except to see the Olympic Stadium or the Bird's Nest.


When my subcon asked me if I wished to have a tour, I quickly said "To the Bird's Nest :-) ".



It's a great feeling to see such marvelous structure

nice string of kite
I wanted to buy for audrey but mommy has no money
hindi pa kumakagat ang lamig diyan
We went there at dusk, man! it was so cold!!! I felt like I had anesthesia for my tooth, the feeling of your lips bulging. I could not talk straight. I had runny nose, my nose was red. But the two people with me were just fine, to think that I was wearing the thickest jacket. I asked what was the temperature and my pal said it must be below zero.


The Water Cube was a sight at night when the lights were turned on
Hinitay naming ilawan kayat kumagat na ang lamig

ayan na, pula at maga na ang ilong
hindi ko na macontrol ang lips ko pag nagsasalita parang hindi ko mai-full close


It's a lot better living in the tropics. Now I understand Luigi why he reasons winter season for not migrating to Canada or New Zealand.


China has to up their service sector. They build nice buildings but fail to maintain them. My Beijing hotel looked grand but it needs repainting and more lighting. At the reception area, you could smell the stench of the W.C. (toilet is called WC in china, it is british for water closet). When I got to my room, I could not get the lights to turn on. After some root cause analysis hehe, i found out the lamps were unplugged DUH! Big trouble is that my credit card was not accepted. I gave all my RMB, just right for 2 nights. I'm broke! Foreign Exchange opens the next day. So no dinner for me? Ah poor me...poor me. My Tangshan Hotel was so much better as it was a 5 star hotel. But the price is really sky rocket. With that, they should ensure that their room service operator must be able to converse in English. We were like, hello, hello, hello for one minute. Lumaki na ang mga mata ko! Until an english speaking guy rescued. He came to my room and asked me to turo-turo what I want in the menu. Chinika pa niya ako, gulat siya nung buksan ko ang door. "Huh, you are Chinese right?" sabi niya. Excuse me, naliligo ako araw araw ano hahaha! I enjoyed the night view from my room and I slept well there knowing that my credit card was working :-)
ZZzzzzzzZZZZ

cold, very dry view
the sunset was nice but it is actually due to air pollution
 

Annual Dinner and Dance

Christmas Party ang pinaka-aabangan na event ng mga empleyado sa Pilipinas. Dito sa Singapore, madalas simple lang ang Christmas party, sa iba nga wala.  Pero lahat ng kumpanya merong Annual Dinner and Dance or ADnD.  Hindi ko alam kung paano nila pinipili ang araw kung kelan eto ginaganap. Kasi iba iba. Sa aking kumpanya, ginaganap ito tuwing January, concides with company anniversary.

This is my fourth year in the company.  And here is my Annual DnD keepsakes. 

2008 with Kuya Ricardo

Kanta agad sa pre-dinner activity.

dreamgirls ang drama ng lola noong 2009

kanta na naman?

masaya ako sa kayumanggi kong kulay
2010 hindi ako umattend ng DnD dahil nag-iinarte ako, muntik nako magresign so anong mukha ang ihaharap ko sa party?


AD&D Jan 22, 2011 Cosplay - in my Avatar inspired get-up

kamukha ko si Audrey :-) up the stage for my long service award

kanta na! side view ng breastfeeding mom...

ako director, costume artist, singer...kaya pala talo kami

panalo naman sa raffle, 5th price Samsung DVD

asan na yung driver ko...John Lloyd ano ba, nakikipagharutan pa kay Ruffing! TARA NA susumbong kita kay Shaina.

holiday mood

57 days nalang, Pasko na
Dec 17 last day of work dahil 2 weeks shutdown na naman
Nov. 5 and 17 walang pasok dahil public holiday
Next week on leave si bossing
Friday na!

Wow ang sarap isipin ang lahat ng ito, holiday mood.
Sana sunod sunod silang mangyari, yung as in everyday.

Pero bago mangyari ang lahat ng yan, kelangan ko parin tapusin ang mga nasa listahan ko.
Ang dami...gawin ko na nga para mabawasan na!

Pilipino po ako (?)

Kamusta naman ang pagiging Pilipino ko?

Kausap ako ng isang kaibigan.

Singkit: Did Pac-man win in election?
Buntis: I do not follow Philippine Politics
Singkit: Did you vote?
Buntis: Nope.
Singkit: Why? You should vote!
Buntis: walang kibo, nag-iisip, bakit nga ba hindi ako bumoto?
Singkit:  How did you do an automated election when there are places that you need to cross rivers before you can reach the place?
Buntis: Do not ask me!

Dahil talagang hindi ako interested sa eleksiyon, iniba niya ang topic.

Singkit: Where can I find authentic Philippine Cuisine in Singapore?
Buntis: I can cook it for you!

Haay...kasi naman ang liit ng mundo ko.
Pero honestly, meron bang authentic Philippine Cuisine dito? Panay mamantikang ulam lang naman ang tinda sa Lucky Plaza.  Yung Salu-Salo nagsara na, hindi ko pa nga natatry.

Kung Pinoy food din lang, eh di yung luto nalang namin sa bahay.

At tama yung nabasa ko sa FB.  "Yung mga hindi bomoto, walang karapatang magreklamo sa mga ginagawa ng politoko dahil hindi naman nila ginamit ang karapatan nilang mamili kung sino ang mamumuno."
OK, agree ako doon.  No comment nalang sa mga kaganapan sa Pilipinas.

2 is a crowd???

nababagabag ang aking kalooban...emotionally affected sa hindi pagkaintindihan ng dalawa kong inspector.  mga auntie na sila, parehas lagpas 40 na.  pero d sila magkaintindihan.  yung isa araw araw nagsusumbong sakin kung anong nangyayari sa inspection room.  wala akong aksiyon, isang simpleng sit down meeting lang na nagpapa-alala na da-dalawa lang sila sa room na yon, dapat magtulungan sila.  ano ngayon, dumeretso na sa manager yung isang walang sinusumbong at hindi na raw siya masaya sa nagyayari....

hindi kung kaninong kasalanan, pare parehas tayong tao, may pagkukulang. pero dapat naman sa 3 taon na tayong magkakatrabaho, dapat kilala na natin ang isa't isa.  bakit may biglang nagsasabing, ayaw kong inuutusan ako, ayaw kong kinakausap ako pag nagtatrabaho ako....puwede sa bahay ka nalang? wag kana pumasok dito?

Lord, gabayan mo po sila, lalo na po ako dahil ako ang dapat magbigay solusyon sa personal nilang problema.

di na tuloy ako makapag-aral at ang bilis ng pintig ng puso ko.  pati si baby sumisipa pa.  relax ka lang anak, pag labas mo, bugbugin mo nga auntie na mga yan.

My Green Passport

i have to audit suppliers next month.
so as usual, kailangan ko mag apply ng visa...kasi green ang passport ko!



our company agent advised: "there is a ban for Filipinos entering China"
deeeyymn! at baket? So I had to personally appear at the consulate.
kay haba ng pila, hanggang labas ng building (at least maganda building nila, marmol, di tulad ng Phil embassy, garahe ng lumang bahay, ang counter ay bintana na may grills, parang sari sari store.... pwek!).
wawa naman si buntis, pumila pa....so after one hour, nakarating din ako sa window.

Miss :"I need air ticket, hotel booking and 3 months bank account notice"
Buntis : "I'm flying for business, here is my invitation letter."
Miss : "For business, you need a Visa Notification.  Original copy."
Buntis : napa nganga ng malaki

Sorry dear, green kasi ang passport mo!  Time to change it to Red para sa trabaho mo.

Isang Linggong Bastusan

Lunes - d ako pumasok, may UTI ako. Kahit kaya kong tiisin ang sakit, nag leave nalang ako. Kasi kung siya nga 2x a week kung mag leave. Me problema sa landlord, o kaya may sipon. Bakit nga naman hindi ako magleave?

Martes - hindi ko siya ma-follow-up early morning kung kumusta na mga assignment niya. paano late na ako dumarating, mas late pa siya. kung maaga naman, kakain pa ng breakfast niya sa mesa niya. So alangang bastusin ko habang kumakain eh mang hihingi ako ng update.

So umpisa nalang ako magtrabaho, sa dami ng trabaho ko, hindi ko na makuhang kausapin ulit siya. Hoping na gagawin naman niya ang mga trabaho niya. Pero wala akong nakikitang result. Sa kagustuhang matapos na, tinutulungan ko nalang, inaako ko na ang trabaho.

Miyerkules - bandang alas diyes ng umaga, nakita ko na siyang nakikipag chikahan. Samantalang ako'y nahihirapan sa pagtapos ng aking mga responsibilidad. 11:30 lumabas na para mag lunch. (12~12:45 and lunch break namin), 1:30 na wala pa siya. Hapon naman, nawala siyang muli sa desk niya, nung mag photocpy ako, ayun nakita kong muli na siya'y nakikipag chikahan. Pag balik sa desk para magtrabaho, ipinasa niya sa akin ang isang part for evaluation. Aba naman, tulungan mo naman ako no, sambit ko na.

Huwebes- nagising akong masama ang loob. Kaya't nagpasiyang hindi pumasok. Hindi ko narin binuksan ang work mail ko sa bahay. Ako'y hindi masaya talaga.

Biyernes - hindi raw niya maibalik yung reject parts kasi quantity issue daw. E anong problema sabi ko, ewan ko sagot niya. Anong quantity problem? tanong ko, ewan ko nga ang sagot. Sa inis ko, nasabi kong puro ka chika pero quantity issue lang di mo masolusyonan, pinapa-trabaho mo pa sa akin (pabulyaw na, hindi talaga ako masaya). WHATEVER ang nakuha kong sagot. Sabay dampot niya ng sigarilyo niya at layas.

BINABASTOS MO NA AKO ang pahabol kong sigaw.

Ipinagdarasal ko talaga na mawala na siya sa landas ko. Ayaw na ayaw kong nagagalit kasi ako ang natatalo. Napapasigaw ako na hindi dapat. Pero sa isang linggong bastusan, hindi ko nalang napigilan.

Dumiretso ako sa HR. Nagtanong kung puwede ko bang bawiin yung contrata kong isang taon. Bayaran ko nalang yung course ko. Tutal ay nag uumpisa palang. Mag re-resign nalang ako. Hindi dahil binastos ako, pero dahil kinakalinga ng companya namin ang mga bastos. Alam ng boss ko na hindi na ako masaya sa assistant ko, pinagbigyan ko na ng maraming beses kahit pa laging absent kesyo masakit daw ang likod, may aasikasuhin, minumulto (buti nga sa kanya).... pero walang aksiyon si boss. Nag-usap narin kami ni boss. Pag isipan ko daw, sabi ko anong pag iisipan ko? Di mo naman ako tinutulungan.

OK lang naman sigurong umiyak ako sa boss ko. Babae naman ako. Saka totoong sobra na ang trabaho lalo't dagdag pa ang trabaho na dapat ginagawa ng bastos na ito.

Handa na ba akong mawalan ng trabaho? Pasalamat ako at suportado naman ako ng asawa ko.
Pabigla akong nagdesisyon. Hindi nag-isip. Pero kailangan may gawin. Tutulungan naman ako ni Bro. Tiyak yun.

Busy Day

Super busy day......30 minutes mag upload ang sangkatutak kong e-mail. Basa at sagot ng mga e-mail for an hour. Tapos may conference call with customer, antay ng 20 minutes, buti hindi siya tumawag, walang additional work item, dahil hindi ko pa nakoclose mga pinapa implement niyang Process Average Testing, Statistical Yield Analysis at Statistical Bin Limits. Hay naku, X-bar-R chart lang ang alam ko no. Ano yang mga ek ek na yan. Tapos balik sa warehouse, naku yung sample run ko, may problema Delamination. Talagang mahirap tong hinaharap kong issue. Kasi sabi nung supplier ko nung last naming nag usap, kung sa corrected lot eh may delamination ka parin, hanap ka na ng ibang supplier, hindi na kita susupply-an. Ayan tumawag kami with the Purchasing Manager, inulit yung sinabi niya. Sorry I can't support you anymore. Tawag ako ni Director, meeting daw sa traceability. Need it by today. Commit Commit sige commit. Octopus ba ako? Alam ko dalawa lang ang kamay ko. May sugat pa yung isa kaya medyo handicapped.

God, I commit to you this day. Holy Spirit, I need your gift of wisdom, knowledge, understanding....lead me Lord.

Those who stay are the strongest!

About work itong susulat ko.

Naisip ko lang, limang taon din pala ako sa Hitachi...ang bilis lang nun.
2 years narin ako sa CTS, pero bawat araw at oras ata, talagang trabaho ka. Hindi naman yung puro trabaho pero yung isip mo talagang hindi nagpapahinga. Anyway, thankful parin ako na meron akong trabaho. Hindi naman lahat ng biyaya nasa form ng $$$.

Tulad nalang na nalagpasan ko na ang 4 na rounds na retrenchment. Oh di ba? Blessing talaga. Yun lang, yung trabaho ng tatlong taong nadale sa mga retrenchment, napunta sakin. Hindi na bale, thankful parin ako. The more work, the merrier..totoo, napagdaanan ko yung wala kaming business, wala kaming production (minimal lang) so walang issues..aba kabisado ko na lahat ng updates ng mga friendster ko. Ang sakit sa ulo ng walang ginagawa.

Maraming beses ko nang inasam at tinangkang lumipat ng work. Eh meron namang mga tumawag, pero hindi parin binibigay ni Lord sa akin. Tuloy parin naman ang trips ko...hehehe isa sa mga perks ng pagiging SQE. Kaya nga mararating ko na ang Korea sa buwang ito.

At hindi na muna ako maghahangad ng ibang work, kasi next month, mag-aaral na ako. Sagot ng company. Ito talaga yung gusto ko, yung matuto, maging mahusay sa trabaho. Para pag anjan na ang quality issue, alam ko na kung anong gagawin ko. Makaka contribute ako ng mas marami sa company ko...

Haay...epekto ba ito ng overwork? o underpaid?

D nga...Lord, salamat po sa work ko.

E2 balik warehouse na naman ako...malapit talaga sa puso ko ang mga inspector...pati sa Hitachi, nadestino din ako sa warehouse eh.