Showing posts with label Pamilya. Show all posts
Showing posts with label Pamilya. Show all posts

Back to School Na, ANG SAYA

This year, the Lord has greatly blessed me. (Every year naman eh)
April ang bigayan ng increase ng suweldo namin.

I have prayed for a specific amount na sana maabot ng sahod ko at ibinigay talaga ni Lord. Sakto walang singkong duling na labis o kulang.

Bilang pasasalamat sa increase at pagdiwang parin ng aking kabuwanan, ipinadala ko yung dagdag sa sahod ko sa aking pamangkin para bumili ng mga school supplies para sa nangangailangan naming kamag-anak.

Here's a look at our Back to School Charity Stint:

Mga Pamangkin Ko - Solikawkaw and Kimi
Ngarag na ngarag sila sa kakulitan ko.
Busy sa school at sa work ang mga dalaga
pero they were so nice to help me.

School Supplies for one Grade 2 and one First Year High School

when I saw this photo...naiyak ako.

My Father is old na...kasi naglalagi lagi sa kanyang farm.
Here he is instructing his apo...araw araw ka magpalit ng panty ha hehehe
eeew


Another helper, si Itong pamangkin ko din.


Simpleng kawang gawa na sana maulit pa at mapabongga in the future.

Sana masabi ng dalawa kong pamangkin, Back to School na, ANG SAYA!

For YOU are simply AMAZING...

Kabuwanan

finally nagka-time din ako para magblog.

maligayang kaarawan kabuwanan! Saya this year, buong buwan kong pinagdiwang ang aking bday.  Well, hindi naman siguro talagang celebrate pero lagi ko lang sinasabi sa sarili ko "dahil birthday ko naman".

Family in Singapore and Kuala Lumpur
April 17~24 (hindi ko pa kabuwanan pero sige, booked the trip in January as a birthday celebration)

Dumalaw ang sisters, brother in-law at nieces ko dito sa SG.
Sa wakas, nakapunta narin ako ng Universal Studios Singapore!
Ngek, soft opening parin till now? Ang malas pa, ongoing repair yung globe...di daw umiikot eh.  Buti nalang in operation ang Battle Star Galactica, super fun at walang pila.  Kung di lang naghihintay ang buong tropa, inulit ko siguro ang roller coaster hanggang lumuwa ang mga bituka ko.  Sa mahal ng binayad ko sa mga ticket...dalawa lang kaming sumakay!  OK OK mga jutanders na kasi hahaha. 
entrada palang masaya na sa USS


The Petronas Towers was magnificent! Ganda talaga... Next month sana makita ko yung Taipei 101 at night para macompare ko sila.

My daughter asked me to find a job in KL so we could live there daw.  Sabi ko: Anak, pag lumipat tayo dito, di naman tayo sa Hotel titira eh, at saka hindi tayo kakain sa labas araw araw.  Isang linggong umiiyak ang anak ko pagbalik ng Singapore...hay.


mahirap maging photographer, lagi ka wala sa picture :-(

Eat Eat Eat
May 4 and 5

Siyempre pagkain talaga ang tunay na celebration sa bawat pinoy.  Tulad last year, we had dinner at a nearby Japanese Restaurant on the eve of my birthday.  Next day, balik kami ni husband sa Marina Bay Sands.  Last year doon din kami nagdinner kahit ongoing construction pa.  Ngayon fully operational na.  We went there to try Gerry's Grill. Super takam ako the whole day for sisig and pusit.  I was disappointed when we got our food.  May malamig bang grilled food?


Gerry's Grill is at Rasapura Marina Bay Sands
tinuturuan ko si husband sa camera para naman may picture nako sa next gala

The Devil wears Prada
May onwards...

End of last year, I packed all my clothes (ALL as in ALL) in one box and sent it to Pinas because I gained so much weight during my pregnancy and from experience, hirap akong magpapayat.  I don't expect to be able to wear those clothes again.  Surprisingly, February 2011 I was back to my prepregnancy weight (sabi ko lang, although my wighing scale says otherwise).  I went to buy jeans and whoa, I could wear my prepregnancy size! maluwag pa (sa ankles)... I only bought jeans, until now, I'm wearing maternity pants eeew! Pero, I've been into dresses.  Dahil nakakatuwa ang feeling na pumayat (from 75 Kg), feeling ko ako na si JLo. I wear dress with 2.5 inch heels twice a week now. Oh anong say ng mga tumatawag sa aking elephant noon? Baby elephant na daw ako...hahaha.  My friend also said, "I read a list of 1,000 ways to die.  One line said: wear make up and high heels".  Ang rude talaga nila dito, kainis.  And yes, I have discovered mas mukha akong tao pag naka make-up.  My husband bought me make up set last Christmas para hindi na daw ako magpamake-up sa salon nung magphoto shoot kami.  I'm now discovering how to apply properly and so far, napapakiss naman si husband pag nakikita niya akong naka make up hehehe.  Tuwing nasa mall ako, gusto ko tumingin ng bagong shade ng eye shadow. Saan na ba patungo itong sinusulat ko?  Anyway, I have been shopping lately.  For dresses and shoes.  Minsan nga lunch break ko tatakbo ako sa mall, skip my lunch just to buy some things...kaya pala "The Devil wears Prada" no wonder these clothes/shoes are so tempting.  Sorry po Lord! Birthday ko naman po at talagang wala akong maisuot.


Home is IKEA
May 9

I am a struggling housemaker.  Hindi ako marunong mag-ayos, mag style ng bahay. Nakakailang bili nako ng organizers like cabinets...magulo parin at walang "theme" ang bahay namin.  Actually, meron. IKEA - kasi majority of our things were bought from there.  So I got the Friends flyer, oops sale daw yung chest of drawers.  I do not know but I have always longed to have a chest of drawers for my intimate things.  4 drawers? mapupuno ko ba iyon? Ang siste, I want to put new things in my drawers naman...slowly slowly, buy some every payday :-) kaso once a month lang ang suwelduhan dito sa SG kaya nakakatuyot.  Nakakatawa yung experience ko nung binili ko and drawers.  I went on the very first day of sale, ayaw ko maubusan.  When I went to the rack to self collect my flat pack, whaaat? there's nothing on the rack.  Is this a joke? first day of sale ubos na? megatext ako ng reklamo sa asawa ko.  Sabi niya bili na raw ako ng kahit ibang model kahit mas mahal tutal Birthday ko naman daw.  Buti nagtanong ako sa staff, nasa open area pala, dami daming stock kaya nga nakasale...happiness comes in flat packs!

Sarap kasi nung inayos ko towels ng asawa ko sa drawer, ang ganda ganda daw. 

Fast Five Fun!
May 14~17

Long weekend.  Feeling ko honeymoon.  Tagal ko nakasama asawa ko just doing nothing tapos nanood pa ng movie and went shopping.  Pag working day kasi tulog pa ako, naka alis na asawa ko then gabi na pag dumatin.  Kain and get the kids to sleep then super low bat na kami pareho.  Ganda ng Fast Five para sa busy mommy na katulad ko, movie time is a treat talaga.  Buti nalang hindi bawal magcelebrate ng birthday.

Pearly Birthday

Last year, pearl necklace and pinabili ko kay husband.  This year, earrings naman kasi nawala ko yung pearl earings ko.  Sana birthday ko araw araw!

Extended...
June 5

May audit na naman ako sa Taiwan.  Laging sambit ng mga katrabaho ko na maghoholiday na naman ako.  Gawain kasi nila na pag may business trip, they extend a few days for personal holiday.  Dahil birthday ko at 10 years na akong Supplier Quality Engineer, it's time for a personal holiday. Ako lang.  I am extending my trip to Taiwan. But what can I see and do in one day? Basta at least meron akong "me" time.

This year ko naramdaman ang tunay na "maligayang kaarawan".
I am happy with my husband, very happy with my kids, very blessed to be with my Mom, I have great family and friends.

Love you LORD! You are simply Amazing mmwah
 

First Impressions Last, A Love Story

Valentine's day na pala sa Lunes.
How do you normally celebrate this day?
Kami ng asawa ko, simpleng date lang. May flowers naman in fairness.
Ako, anong binibigay ko sa asawa ko? Wala! hehehe


Pano nga ba kami nagkakilala ng asawa ko?
Here's our love story.


Valentine's day 2002, nakatanggap ako ng white roses in a box.
Di ko na matandaan kung anong message…from someone lang ang nakalagay.
Dahil di ko naman nalaman kung kanino siya galing, di ko na siya pinansin.
It went to the rubbish bin after some days.


Isang buwan ang lumipas, may tumawag sa aking babae, nagpakilala siya at sabi may gusto daw makipagkilala sa akin. Ok walang problema sabi ko naman.
Kakatuwang comment ng babae ay "kaso nga lang, medyo may edad na siya, 31 na"
So? sabi ko naman. (I was a very fresh 21 year old then)
Days passed pero wala naman si mister mysterious.


One time, galing lang ako sa supplier at nagmamadaling bumalik sa desk ko para makauwi na, may humahabol sa aking lalake at nagpakilala nga siya.
"Ako si Luigi, ako nagpadala nung flowers noong valentine's day at ako yung gustong makilala ka"


aaaawts…kinikilig ako habang inaalala.


Kalbo siya pero macho! Yun ang first impression ko sa kanya.
First impressions last, kalbo at macho parin siya ngayon…yebah.


That's how I met my dear husband. Buti naman at naglakas loob siyang magpakilala sa akin. Kung hindi, sino kayang napangasawa ko? O baka naman dalaga pa ako hanggang ngayon!


I'm still in love with him, loving him more and more each day.

I just spent the most fulfilling 2 weeks in my whole life

For 14 days, fulltime mommy, wife and homemaker ako.



Dahil taon taon may 2 weeks shutdown ang company namin, I let my dear Mother go home sa Pinas to spend Christmas with the family. Previous years, dito lang siya sa SG and mega pahinga kami ng two weeks, siyempre nagpeprepare din for Christmas and New Year with my in-laws.


I promised the Lord na kung bibigyan na niya kami ng house, magiging tunay na Nanay na ako. Yung tipong gumigising ng maaga, naglilinis ng lahat ng sulok ng bahay, naglalaba, nagtitiklop, nag-aalaga ng anak.... ganun. Kasi naman nung si Audrey palang ang anak ko, andito si Mama at super alaga din siya ng Papa niya. Dahil bunso ako (nagrarason), super alaga din ako ng Mama. Lahat ng gawaing bahay siya gumagawa, mamalenke lang at magplantsa lang ng damit ang ginagawa ko. Pero nung nag part time ako sa Subway, mop and brush ng sahig at magtapon ng isang drum na basura pag closing ginagawa ko. Hindi tama to sabi ko sa sarili ko. Kaya I promised to do housework in my OWN home.


Nandiyan na ang bahay pero delayed parin ang pagiging tunay na nanay dahil buntis at nanganak ako ng isang Aeden pogi. Kaya ito na ang pagkakataon ko.


Being able to spend 24/7 with my kids for two straight weeks was no joke. Mas naappreciate ko na ang dedication ng Mama ko sa aming magkakapatid. Kahit nga ngayon na dapat ay nagrerelax nalang siya, full time parin siyang nag aalaga sa akin at sa mga anak ko. I SUPER LOVE YOU MAMA! Gusto kong sundan ang mga yapak mo, I have received the best LOVE and want to give it to my kids and grandchildren someday.


Some of my realizations:

My bestfriend was the washing machine. Araw araw ako naglalaba, pero walang hassle. Load mo lang then pindot pindot, then sampay later. Walang sugat sa kamay at di masakit ang likod.

Enemy ko ang mga labada ko. Na high blood ako minsan kasi andami kong sampay, nagprito ng half kilong baboy ang housemate ko. Yuck! Di ko matake ang amoy, so nilaba ko nalang ulit. At dahil everyday ang laba, andaming titiklopin! Di ko kineri. Tinambak ko nalang lahat until Dong asked me kung saan na raw ang mga shorts niya hahaha.

Alam ko na kung bakit hindi pa tuyo ang mga plastic containers ay itinatabi na ni mama. Reklamo ko naman eh nangangamoy pag di natuyo. Dahil mabilisan lahat ng gawain sa bahay, hindi mo na hihintaying matuyo pa yung hinugasan mo. Itinuktok ko talaga sa ulo ko ang mga basang containers na isinalansan ko. Reklamo ka pa!

Hindi naman pala mahirap magwalis. Sumasakit ang kamay ko dati pag nagwawalis kaya ayaw kong gawin. Mag mop walang problema, nahasa ang skill ko sa pagmop sa Subway. Pero pag araw araw ka palang nagwawalis ng buong bahay, masasanay din ang mga kamay. No sweat, kaya kahit hating gabi ngayon, nagwawalis ako sa bahay.

Nakaplan akong mag general cleaning sa bahay. Pupunasan lahat ng grills, bintana, i-aayos ang lahat ng damit sa cabinet, linisin at i-organize ang kitchen cabinet, ayusin ang store room, kuskusin ang tiles... Wala akong na accomplish. Sa normal daily routine lang talaga naubos ang oras ko.


Best feeling was to see my daughter Audrey having fun flying her kite. Matagal na naming sinabing magpapalipad kami ng kite pero hindi nangyayari. Sa loob ng bahay lang nagpapalipad ng papel si Audrey. So binili ko siya ng malaking kite at pinalipad namin sa kalsada. Halos mapaluha ako nung pinapanood ko siyang magkite at humahalkhak. Pero hindi parin natupad ang wish niyang mag kite sa park. Next time anak, promise yan ni Mommy.

Narestore narin ang milk supply ko dahil nagsuper enjoy si Aeden. Every two hours hungry siya. I felt engorgement and strong let down again. Good, matutuloy ko parin magbreasfeed for another 2 months minimum. I just love watching my son when he nurses. Everyone is saying Aeden needs to start eating solid food, but I insist to follow the experts. Breastmilk or formula is complete nutrient for babies for the first six months. Madaling mabusog ang baby pag pinakain mo ng cereal which does not contain enough nutrients, so magkakaroon ng effect sa baby. Hindi naman life threatening, maraming baby na maagang kumakain. But to give optimum care for my son, I'm delaying solid food. He's started formula though! As working mom, I can't provide 100% for him. It's tiring too, I have to admit.

Masama lang ang loob ko kasi medyo napalo, nasiko, nasapak, naitulak ko nga lang si Audrey. MEGA kulit ang anak ko. Lagi niyang inuulit mga sinasabi ko at parang wala siyang naririnig sa mga iniuutos ko. Nag-aalala akong maalala ng ank ko mga ginawa ko at isumbat niya sa akin paglaki niya. Pero iniisip ko, isang episode lang ng pamamalo ni Mama ang naalala ko. But kids are smarter now. So ginagawa kong joke ang mga ganung moments with my daughter. After ko siya mapagbuhatan ng kamay, titigan ko siya at tatawa. Tatawa narin siya. Kaso, akala niya, joke talaga yun. Ngayon, madalas na niya ako sikuin at suntukin sabay tatawa...tatawa nalang din ako while thinking na natutunan niya sa akin yun.

Mahirap maging isang ulirang ina, tao lang, nagkakamali din po! Pero ito ang PINAKAmagandang privilege. Every night kahit sakit sakit ng buong katawan ko, ang saya saya ko. Nakangiti akong matulog. Mas sobrang humigpit ang mga yakap ko sa mga anak ko. I do not want to be separated from them ever!

Salamat sa time na ito, sa uulitin. I just spent the most fulfilling 2 weeks in my whole life!


Audrey and her pretty kite
Aeden enjoying outdoors


Managed to bring the kids to the mall to shop


A Family that Stays Together....

Gets sick together!

Audrey started coughing after Halloween. She ate more sweets than she is supposed to. My daughter's tonsils are very sensitive. If she eat sweets, it gets inflamed FAST. But she is just a kid! So she had sore throat and started coughing. Made worse by her busy activity due to Kindergarten Graduation. It was my first time to see my daughter perform on stage. So that is how a mother feels!!! Fantastic.

Since we stay together in our small flat and we love to hug tight and kiss, Aeden started sniffing, then next thing, I have chills and fever. The next week after, dear Daddy is also coughing. Last Monday when I came home, my mom sounded like she just cried. I thought she cried over the telenovelas she's watching. Actually, she has bad flu! Poor Lola had runny nose and headache.


Tuesday morning I saw a red spot on Audrey's face. I checked her back and was surprised to find more. It was chicken pox. Damn! I had her immunized when she was little, why now? She needed to be isolated so she and daddy are now sleeping in the living room. She just peeps at the bedroom door to say her good night to me and Aeden. It is heart breaking. I haven't had chicken pox so I dare not kiss or hug my girl. Her pedia warned me last time that I should get immunized more than my daughter as I am in more danger than the baby.


Saturday night, Aeden develops low fever. He had a hard time sleeping and so did mommy of course. On Sunday, he has red patches already. Oh no. My young boy has chicken pox! Please Lord, spare him. Until today, his red patches come and go. Hopefully the antibodies from my breastmilk do wonders for him. He's too young to be sick.


Matiyaga Ako!

dapat ay nag-eexpress ako ng milk ngayon.
pero feeling ko sobrang tired ako.
so I will just write away…


hindi nga pala ako kumain ng lunch, except for the 2 small pears.
diet? sana nga diet na yun. tamad is more true!
yan tuloy, lantutay nako.
pagdating sa bahay, lagot, kakain na naman ng madami dahil sa sobrang gutom.

yan ang worst enemy sa pagpapapayat, ang hindi kumain.
when you starve yourself, your body stores more energy rather than burn it.
madali akong magpapaniwala sa mga nababasa at napapanood ko.
kaya pala hanggang ngayon, hindi parin bumabalik ang katawan ko sa kanyang pre-pregnancy state.
today is the first time I let myself starve…lamon ako ng lamon!
kasi sabi you need an extra 500 calories when you are breastfeeding. che!
so anong nangyari sa pag be-breastfeeding will help you loose weight?
oh hindi ko sinasabing wag na mag breastfeed! Liquid Gold is still the best.
actually I read somewhere na makikita lang ang weight loss after 6 months of BF.
Hay, kalerky…but I'm halfway there and I am enjoying every moment of BF.


I'm using a manual Pigeon pump. Nabili ko ng sale sa hospital. $59 from a regular price na $80.
Actually dahil sale, dalawa ang binili ko. Para umabot ng isang taon. Naku, isang buwan palang eh mahina na ang pump. Or mahina na ang gatas ko? Both. I'm forcing myself to believe na at this point, malakas parin ang gatas ko. May malunggay capsules or wala. Really! kasi I can pump 3 oz from one side. Eh sa mga nababasa ko, madami na daw yung 2 oz from both sides. Oh divah? May Parenthood Fair sa weekend, nangangati na naman ang mga paa kong magpunta and guess what kung anong gusto kong bilhin…another pump. Karir na karir! Well if you would compare the price of milk formula to pump cost, it's really all worth it. Aabot din ng $80 ang isang malaking lata ng gatas na kayang maubos ng 3 month old in a week or two. At hindi yan ang main reason kung bakit ko kinakarir ito. Dahil bakit ko papainumin ng gatas ng baka ang anak ko kung meron naman akong gatas? I think the Pigeon pump is worth it. Natatawa ako sa mga reviews ng ibang mommy na mega sakit daw ng mga kamay nila sa kakapump. Try kaya nila magpump ng poso ng tubig. I plan to buy the Avent manual pump. Ok ang mga reviews niya. It's a bit more expensive, more than $100. Pero compared naman sa mga electric pump na $200 pataas. Sabi ng marami, pang occassional use lang daw ang manual pump. Di naman! I use mine 4X a day, 5 days a week. Kung afford niyo ang electric pump, di go! Kuripot Matiyaga ako eh.


Kakalito ang BM storage guidelines. A few years ago, they could store BM in the fridge for upto 7 days. Pero ngayon, 24 hours nalang ang nakalagay sa mga recommendations. But these are recommendations of companies of formula milk or bottle feeding items. Para ba mahirapan ang mga mommy at mag formula nalang? Buti I stumbled on one article which said that in the experiment, BM quality is maintained even after 4 days in the deep area of the fridge. Wag daw ilagay ang gatas sa pinto ng ref kasi pag madalas binubuksan, pabago bago ang temperature. So I keep my EBM in a Fridge-to-go bag. May dalawang cooling blocks na fini-freeze ko sa gabi. Pag dating ko dito sa office, nilalagay ko yung isa sa freezer sa pantry and put it back in the bag lunch time. Mabilis kasi siya matunaw pero kahit tunaw na, malamig parin naman. It's cool maghapon kasi aircon naman sa office. Yung pump ko, I also leave it inside the bag. Di ko na hinuhugasan after expressing. I find this more hygienic than cleaning your pump every after use. Baka kung anong bacteria pa ang meron sa panglinis na water. Sterilize ko lang siya at night. Mas madali din kasi maluma ang pump accessories sa kaka-boil. Merong mga sterilizing tablets, ibabad mo lang sa water. Pero this is chemical, so I still do the traditional pakulo. Meron nga akong steam sterilizer pero mahal kasi ang kuryente eh and di ata kasya lahat ng gamit ko doon. Di ko pa nasubukan, ma try nga sa bakasyon.


Ang haba na nito. Well, I just wanted to write how/what I'm going through now. Baka sakaling may isang mommy na makabasa nito and makatulong. I have learned so much from reading other blogs and forums. Minsan kasi yung mga lactation websites, pare parehas ang nakasulat. Mas maganda at nakakatulong yung sharing ng mga mommies. Oh and if any daddy reads my blog, you'll be able to help your wifey.


Happy Breastfeeding!


Hubby snapped this photo early morning just after Aeden finished feeding (batchoy ko!)


My Third Eye

Malakas talaga ang "intuition" ko.  Sabi nga ng kaibigan ko, may third eye daw ako.
Nung college ako nung nag bye bye na kami ng aking first BF, alam na alam ko kung masasalubong ko siya sa Session Road.
Nakakaramdam ako ng kakaiba at bongga, yun na nga siya, malayo palang kita ko na.
Nakakatuwa kaya lang minsan, kasama na niya yung babaeng mega kung maglipstick hahahah (sour-ness pa?)


Nakakakita/nakakaramdam din ako ng mga MULTO!
Oo nung nasa Sagada kami ng HS barkada ko.
Takot sila lahat tumabi sakin kasi bigla akong may nakikitang kung ano ano.
But I have "closed" that eye na.
Shooo na lahat ng mga multo, di ko kayo type ano.


Dahil sa kinakarir ko ang pagpa-pump ng gatas ni Aeden kahit na nagtatrabaho na ako, ayan gumana na naman!
Ayaw ko na kasi gawin ang project ko sa TOILET!!!
Kasi kahit kegaganda at ketataas ng mga skirt at heels ng mga nasa admin, ambabaho ng mga poopoo nila.
Yes, minsan nasusuka na ako. Bakit kasi kelangan pa nilang gawin yun sa office? Pag gising kasi dapat dumumi na! Sa bahay….
Walang breeding ang mga insektong to!


So mega hanap ako ng secluded corner. Walang iba kundi ang helium room na nasa tapat lang ng mesa ko.
OK nagdala ako ng wall paper para masaraduhan ko ang salamin sa pinto.
Hinahanap ko yung Engineer in-charge para naman makapag paalam.
At ang aga namang pumasok ng clean room.


Kaya sige, kinabit ko na ang papel.
Naku oras na ng project, wala pa siya.
So, dapat stick to schedule, kaya pumasok nako at naglock.
Pawisan ako kasi normally wala naman sila sa office, lagi sa production.
Bakit today, rinig ko silang lahat sa labas? Naku laking takot ko na may kailangan sila sa room at pumasok.
Huwag naman pleaaaase...pero feeling ko talaga mangyayari eh.

Midway of my project…the door knob clicks!


SHET! di ako nagmumura sa totoong buhay.
So naghuhulaan sila sa labas kung sino ang nasa loob at bakit nakalock, binaba ko ang shirt ko at lumabas.
"Sorry, I'm using the room." I felt my blood rush to my cheeks. Gawang Baguio girl nga ako, rosy cheeks.
Pati sila nahiya sa pangyayari. 6 MALE engineers!!!! Discovered my innovative project hahahaha.
Bumalik ako sa loob para ituloy, intsikan sila ng instikan, hagikhik ng hagikhik. Nahiya tuloy ang milk lumabas :-(


Naku Aeden, pag laki mo ikukuwento ko to sa iyo.
Gusto ko na matunaw on the spot.


Well, gusto ko paring ituloy ito. Pero dahil sa stress/pagod, kulang na ang na-eexpress ko.
I could do 7 ounce on one side dati pero ngayon 2 ounce nalang from 2 sides pa.
Aeden needs 3 ounces every 3 hours.
I've been taking Malunggay capsules but has no effect. 2 capsules every morning.
Now I read a study at the Ospital ng Maynila that they gave 2 tablets 3X a day to increase breastmilk.
Haaay….kelangan pala nilalaklak ang malunggay. Masubukan nga.
At simula sa Lunes, di na muna ako magmamadaling umuwi ng tanghali.
Pahinga muna si Mommy.


di ko na ata to kaya

akala ko ikaw ay akin

totoo sa aking paningin
ngunit ng ika'y yakapin

bakit bako kumakanta?
dapat nagsusulat ako.


di ko na ata to kaya.


gising ng 6 am para magpondo ng morning feeds.
takbo sa ladies ng 9:30 am para sa afternoon feeds.
eskapo ng 11:40 para umuwi.
lakad ng 15 minutes sa ilalim ng tirik na araw.


itransfer ang dalang feed sa bottles
i-feed si baby ng kanyang lunch
kainin ang lunch
balik sa opisina


…dapat 12~12:45 lang ang lunch break
latest na dumating ako this week is 1:20
nasa office namin si Director, nakikichika :-)
kitang kita niyang may dala akong bag at payong
KEVS!


pahinga pahinga pahinga
paypay paypay paypay
aba 3:30 na pala?
takbo ulit sa ladies….
wala na, drained na ang mudra ni Aeden!
buti nalang malapit na ang alas sinko.


pag uwi, piliting dumede si baby, left and right
actually gusto ko lang humiga at magpahinga :-(
<>
istorbo pero sweet


maya maya lang maglilinis pako ng mga bote
tapos sterilize them
kelangan pa bantayan si Audrey magpratice ng piano….


balik opisina nako nung lunes
tuesday palang ramdam ko na ang pagod
kagabi sabi na ni Audrey mukha daw akong may sakit.






that is how mothers spell L-O-V-E






ooops di pa tapos


may umiiyak ng malakas, kelangan isayaw/ijogging/kantahan/padedehen hanggang mabilaukan


may umiiyak, matagal ko na daw siya hindi kinakantahan
tabihan ko daw siya sa pagtulog tulad ng dati
hawak kamay daw kami






naku mga anak!


…..salamat at dahil sa inyo alam ko ang aking papel sa mundong ito.


sana magampanan ko ng katanggap tangap sa Kanya na siyang nagpahiram sa inyo sa akin. I love you Audrey and Aeden!








"You can learn many things from children. How much patience you have, for instance."


-----Franklin P. Jones


Did I marry the right person?

sabi ko: (via FB)

I'm glad to have said "I do" 6 years ago...may each and every remaining day I spend with you be as blessed and joyous as those we've already shared. I pray that our union give glory to the Lord who has brought us together.

Happy Anniversary Dong! mmmmmwah

sabi niya: (via sms)

Mmmmmmwah Happy Anniversary! I love you so much. Thank you for this beautiful life I'm sharing with you mwah mwah mwah mwah

sabi niya: (via FB - aba himala!)
Happy Anniversary Mahal ko!!! Thank you for this beautiful life we're sharing with our kids and God as our foundation. I'm looking forward to many many more sunshines in our lives... mmmmwah

6 years na kaming kasal ni Dong + 2 years na mag GFBF...tagal na ha...laking pasasalamat ko sa Panginoon nang just a year ago, I surrendered.  Nakakabigla na nagbago ang lahat.  Totoo nga ang nasusulat, THE KEY TO SUCCEEDING IN MARRIAGE/RELATIONSH IP IS NOT FINDING THE RIGHT PERSON; IT'S LEARNING TO LOVE THE PERSON YOU FOUND.

At nung tumigil ako sa kakadakdak at kakakimkim ng mga sama ng loob...nakita ko sa asawa ko ang PRINCE CHARMING na hinahanap ko...waaah ang saya. 

Hindi pala tayo para sa isa't-isa

hindi na, ayoko na.
tatapusin ko nalang ang nalalabing ilang buwan.
hahanap nalang ako ng iba.
akala ko, nasa iyo na lahat ng katangian na hanap ko.
mali ako.

mabagal ka, ma-arte, mapili, although good looking talaga at may status!
marami sana tayong magagawang dalawa.
at saka, magastos ka!

pero may mga mas importante akong aasikasuhin.
wala rin lang akong panahon para sa iyo.

goodbye iPhone....

I've promised myself to get an iPhone.  Well, everyone has it, why shouldn't I?  It was supposed to be my reward.  After all, I saved hard (very very very hard) for our flat.  Now we have it! After all, I've given birth to my boy and my daughter is now 5... I felt I needed to be rewarded.

I was crazy...my reward is actually right in front of my eyes!  The three people who kissed me goodnight last night and will do again later :-)

Giving Birth

The countdown is over sabi nga ni M' Kaye.  8-15-2010 at 8:39 pm, my baby boy was born through emergency Caesarean. 

So ganon pala ang labor pain, ganon pala ang contraction.  Gusto ko lang talaga maranasan ang natural birth.  Kaya ni-ready ko ang sarili ko.  Lahat ng pinagtanungan ko kung ano ba yung labor? ang sagot lang ay yung hindi mai-explain na sakit. Yes, tama nga sila, hindi ko rin ma explain.  Sa mga mild contractions, it's a bit worse than dysmenorrhea (kakadugo naman ng ilong i-spell ito).  Pero yung trulala na labor, ay yun na! unexplainable pain.  In total, 15 hours ako naglabor.  10 hours ko rin pala tiniis...tolerable pa kasi.  Pero yung last 2 hours na medyo every 5 minutes na yung contraction, hay napapasigaw na ako.  So I shouted "I need Epidural! NOW!" At ganun pala pag naka pain killer kana, bilis alis ang sakit.  8 hours lang ang palugit ni Doc sakin maglabor.  Kasi baka bumuka daw ang sugat ko.  He forced my water bag to break to keep the labor in progress. Success naman ako to reach every minute contraction and 8 cm dilation.  However, my baby's head wasn't effacing, in short, nagsusumiksik siya sa mommy niya.  So, they brought me to the Operating Theater at 8 pm...30 minutes later, Baby Dong is out, I heard his loud cries.  Very loud! Then my OB told me, he's big, 4 Kg...ha ha ha buti nalang hindi niyako pinilit mag labor and to push.  

39th week

I've filed for unpaid leave for the coming week as my EDD is on August 19, besides, I have to see my OB again this Monday.  Good thing, my boss approved it.  Good luck nalang sa mga pinag-iwanan ko ng aking trabaho!  Mag eenjoy muna ako in the coming 2 months. 

Maganda sana kung nangnanak ako last Sunday, 8-8-10, or nung Lunes 8-9-10 (Singapore National Day pa sana), or Tuesday 8-10-10.  Pero heto 8-14-10 na at juntish parin ako.  Buti nalang at hindi siya lumabas kahapon, or else, there will be instances na tatapat sa Friday the 13th ang birthday niya.

So I have been praying na sana manganak nako soon.  I'm really excited to see baby and I can't seem to endure more of this BIG thing.  This morning at 8 am while I was still in bed, I felt something break down there.  I stood up fast and run to the toilet.  Mucus tinged with brown and red! Has my water bag broken?  I checked my handy mommy book, it said it was a sign of labor but don't be fooled! It could be weeks or hours before baby will come out.  :-(   :-(  And then I felt cramps...and noticed it came every ten minutes.  It lasted for 2 hours.  That was a sure sign of labor!  I told my mom but not my husband as he would surely panic.  Then the contractions came in intervals of 30 minutes...what? Oh dear, what a crazy feeling this is.  So I still went to the market this morning as if nothing happened.  The last contraction was an hour ago.  Well baby...mommy will wait till you are ready! See you soon.  mmmmwah


August 10 - visited doctor and via ultrasound, estimated weight of baby is 3.5 Kg.
Man he's big!  Can I still do natural birth???


August 11 back to work

August 12 - do I look pregnant from back view?
 In my case, it is true that boys give you sharp tummy while girls are more rounded.

August 13 - OK last day at work...stress! stress! Got to hand over all work items.
Had to work overtime :-(

38th Week

wag madepress pag buntis, papangit ang anak!
so this week I made sure I am not depressed.
Last Monday, Mama and I went to buy some stuff. 
I needed to buy conditioner and lotion, make sure I have enough at baka pumutok ang mga litid ko kakaexplain kay Dong kung ano yung kailangan niyang bilhin pag naubusan ako after manganak.
I extended my afternoon walks.  Instead of going home straight, I went to the neighborhood markets on two afternoons.  Buying some organizers for baby and vegetables for a healthy mommy.
Yesterday afternoon, I went to the grocery with Dong.  It may take a long time again before I can do grocery.  Enjoy akong mag grocery, kasi si Dong naman nagbabayad, at mahilig siya bumili ng marami.  Sarap ng feeling...kasi kuripot nga eko, hindi ko kayang punuin ang cart.

I noticed I slept better dahil pagod.  So wala yung mga sakit sakit na nararamdaman ko.  Therapy talaga ang shopping!

At ginawa ko rin every morning, is to take pictures of my egg! Kay laking egg.
So malelate na ako, nag seset pa ako ng camera.  At araw araw sinusubukan ko kung anong setting.  Walang magandang kuha.  Eto ang rason bakit gusto ko bumili ng bagong camera.  Para mapicture ko ng malinaw si Baby Dong Jr.  Kaso....tsk tsk wa akong datung!

August 3 - di maisentro


August 4 - malayo, malabo, madilim

August 5 - better but not the best...pero kuha ang laki ng egg!

August 6 - agang nagising ni Ate so sinali ko na

Kahit na mga labo labo ang kuha ko....I'm keeping them for remembrance ng pinakamaling stage ko sa pagbubuntis.  Baka ito na ang huli at di na maulit muli. 

I will miss being pregnant!!! 

The Wit of a 5 Year Old

Some lines that my girl has said...amazes me and makes me laugh!


Can I borrow your "daster" when I also get pregnant?

When you are not yet dead (by the time I can reach the stove), can you teach me how to cook?

When I grow up, will you look after my kids so that I can go to work?

I can't understand how your mom became my Lola, then my Daddy's mom is also my Lola!

Will I get married someday? I want to marry a Filipino.  Can I marry Kuya Wacky (her first cousin)?

Mommy, you have such big butt and legs...eeew!

Audrey's Summer

I'm so glad my daughter had a blast this summer.  She prefers to stay in Baguio daw than in Pampanga kasi malamig.  Kaiba sa normal na ugali niyang tahimik, naging sobrang ingay siya with her cousins Hannah and Aerin.  Laro maghapon.  Pagkadating niya dito sa SG, nagsisigaw pa siya, and ang kulit...Sana makahanap kami ng friend ni Odie dito sa SG, para tuluyan nang mawala yung pagiging anti-social niya.

Pictures with her father side...magkakahawig sila.



Bakasyong kay saya!


Para mag-end ng masaya ang blog ko, unahin ko na yung mga hindi magandang nangyari sa pagbabalik-baguio ko.

1.)  a week before ako umuwi, nawala ang aso kong si Mushu.  8 years old na yung aso ko.  Napakaloyal niya sa aking pamilya.  Pinulutan ba siya?  Halos mapaiyak ako sa balitang ito.
2.)  2x akong muntik nang madukutan.  Nung unang araw na lumabas ako, at nung last minute shopping ko.  Buti wala namang nakuha.  Ang masama, na-slice ang Gucci bag ko...haaay buhay naman.
3.)  Nakakahiya mang Pizza, Ice Cream at Cake lang ang nailibre ko sa pamilya ko, naubos ang 35K ko.  Oo konti lang talaga ang budget ko.  Mayayaman na ata ang mga Pinoy ngayon, libo libo na ang ginagastos.  Sa isang linggo, naramdaman ko kung gaano kahirap mamuhay sa Pinas. 

Nabuong muli ang aking pamilya.  Well, kaming 5 magkakapatid ay nagsamasamang muli. Last reunion namin ay noong 2005 pa. Wala pang isang taon si Audrey (kaya tabatching pa ako).  Ngayon naman, tabatching parin kasi nga 28 weeks naman ang pinag bubuntis ko.  Haay, pero kitang tumanda na kaming magkakapatid.  At sa pagkakataong ito, hindi namin kasama ang kapatid naming lalaki.  Wala sa ayos ang kanyang buhay ngayon, pero sana alam niyang narito lang kami kung sakaling kailanganin niya kami.

Nakakatuwa (tawa) ang mga pinagkuwentuhan naming magkakapatid.  Ang tatay namin na tumatanda na, at ang mga kamag-anak naming panay ang hingi ng tulong, di naman tinutulungan ang mga sarili.  Walang kamatayang kuwento.... Buti nalang at advanced na ang technology,  parang hindi naman masyadong matagal yung 5 years na hindi kami nagsama-sama.  Merong tawag, text, e-mail, facebook at siyempre ang mga padala :-)  At nagkikita kita rin kami in person, sa mga dalaw.  Pero ngayon lang uli yung 5 talaga kami.

Wala akong balat sa puwet, pero simula ng dumating ako, araw araw na nag uulan. Wala naman akong balak mamasyal, masaya na ako na nasa piling ng mga kapatid ko.  Buti nalang buntis ako, kundi lalabas ang pagkatamad at kuripot ko! Aba balikbayan, lagi lang sa bahay?!  Eh sa ganda naman ng bahay ng ate ko, para na akong nasa hotel.  Mas nabobore ako pag lumalabas.  Puro tao at dumi lang nakikita ko.


Isa pang nakakatuwa ang pamangkin kong si Isa. Dalaga na talaga siya.  Sabi ko siya na ang bunso namin. College na siya, ilang taon nalang ay magkakatrabaho na siya.  Hehe siya naman ang manlilibre sa akin.  Yes!
At ang mga bata, nakakatuwa sila. Sana ay maging close din silang magpipinsan sa pag laki nila. 


Ganon kabilis ang 11 days.  Pero kahit 11 days lang taon taon ay lubos na kasiyahan naman ang baon ko pagbalik dito sa Singapore. 

Kasalukuyang lumilipad ang eroplano sakay ang asawa ko.  Uuwi rin siya para sa reunion nilang magkakapatid.  Sana ay maging masaya at ligtas ang kanilang muling pagkikita.

President Noynoy, sana nga by choice nalang ang pangingibang bansa ng mga Pilipino at hindi necessity.  Kasi mahirap panatiliing buo ang isang pamilya kung pinaglalayo naman ang bawat isa.

Kalendaryo

Sumapit na naman ang ika-4 ng Mayo sa kalendaryo.
ito ang aking kaarawan.
at sa katotohanan, itong taon ang huling taon kong nasa kalendaryo pa ang edad ko.

in short, 31 na ako.

4 na taon na pala akong nag didiwang ng aking kaarawan dito sa SG.
2007 - wala ang aking pamilya pero kasama ko naman mga ka-caregroup ko. marami ring mga taga HICAP ang dumalo. (hindi yan ang pic ng bday ko, pero sila ang mga kasama ko)
 
2008 - Japanese buffet with Audrey and Luigi (nagpagutom pa kami ng husto kayat nagpicture muna)

2009 - Pulau Ubin with family

2010 - 4/29 : dinner with Family, 5/3 : pizza at home, 5/4 : Marina Bay Sands dinner date with Luigi

Pinili kong mag ME moment nung kaarawan ko. So anong ginawa ko? Nanood ako ng Iron Man 2 (buntis at nagiisa, hanep sa trip), gumala gala sa mall at kumain ng paborito kong yakiniku.  Kala ko marami akong magagawa sa isang araw.  Kaso mabigat na pala tong baby boy ko, kaya't puro din pahinga.  D bale na, importante ay nakag muni muni pa ako.  Nang mag CR ako, bigla akong nag emote! Tulo ang luha at hagulgol.  Bakit? naisip ko lang, malamang e2 na ang huli kong ME moment.  The reality of being a mother-to-be of 2 kids struck me.  It's a very heavy responsibility.  Maaga akong nag-asawa kayat hindi na enjoy ang pagiging single.  Wala naman akong regrets.  Tutal, puwede pa ulit akong mamuhay single pag medyo malalaki na ang mga bata.

Ayon.  I had a happy birthday definitely. Maraming salamat po Lord.  Sana pahiram mo pa ako sa mga nagmamahal sa akin ng maraming taon pa.