Kabuwanan

finally nagka-time din ako para magblog.

maligayang kaarawan kabuwanan! Saya this year, buong buwan kong pinagdiwang ang aking bday.  Well, hindi naman siguro talagang celebrate pero lagi ko lang sinasabi sa sarili ko "dahil birthday ko naman".

Family in Singapore and Kuala Lumpur
April 17~24 (hindi ko pa kabuwanan pero sige, booked the trip in January as a birthday celebration)

Dumalaw ang sisters, brother in-law at nieces ko dito sa SG.
Sa wakas, nakapunta narin ako ng Universal Studios Singapore!
Ngek, soft opening parin till now? Ang malas pa, ongoing repair yung globe...di daw umiikot eh.  Buti nalang in operation ang Battle Star Galactica, super fun at walang pila.  Kung di lang naghihintay ang buong tropa, inulit ko siguro ang roller coaster hanggang lumuwa ang mga bituka ko.  Sa mahal ng binayad ko sa mga ticket...dalawa lang kaming sumakay!  OK OK mga jutanders na kasi hahaha. 
entrada palang masaya na sa USS


The Petronas Towers was magnificent! Ganda talaga... Next month sana makita ko yung Taipei 101 at night para macompare ko sila.

My daughter asked me to find a job in KL so we could live there daw.  Sabi ko: Anak, pag lumipat tayo dito, di naman tayo sa Hotel titira eh, at saka hindi tayo kakain sa labas araw araw.  Isang linggong umiiyak ang anak ko pagbalik ng Singapore...hay.


mahirap maging photographer, lagi ka wala sa picture :-(

Eat Eat Eat
May 4 and 5

Siyempre pagkain talaga ang tunay na celebration sa bawat pinoy.  Tulad last year, we had dinner at a nearby Japanese Restaurant on the eve of my birthday.  Next day, balik kami ni husband sa Marina Bay Sands.  Last year doon din kami nagdinner kahit ongoing construction pa.  Ngayon fully operational na.  We went there to try Gerry's Grill. Super takam ako the whole day for sisig and pusit.  I was disappointed when we got our food.  May malamig bang grilled food?


Gerry's Grill is at Rasapura Marina Bay Sands
tinuturuan ko si husband sa camera para naman may picture nako sa next gala

The Devil wears Prada
May onwards...

End of last year, I packed all my clothes (ALL as in ALL) in one box and sent it to Pinas because I gained so much weight during my pregnancy and from experience, hirap akong magpapayat.  I don't expect to be able to wear those clothes again.  Surprisingly, February 2011 I was back to my prepregnancy weight (sabi ko lang, although my wighing scale says otherwise).  I went to buy jeans and whoa, I could wear my prepregnancy size! maluwag pa (sa ankles)... I only bought jeans, until now, I'm wearing maternity pants eeew! Pero, I've been into dresses.  Dahil nakakatuwa ang feeling na pumayat (from 75 Kg), feeling ko ako na si JLo. I wear dress with 2.5 inch heels twice a week now. Oh anong say ng mga tumatawag sa aking elephant noon? Baby elephant na daw ako...hahaha.  My friend also said, "I read a list of 1,000 ways to die.  One line said: wear make up and high heels".  Ang rude talaga nila dito, kainis.  And yes, I have discovered mas mukha akong tao pag naka make-up.  My husband bought me make up set last Christmas para hindi na daw ako magpamake-up sa salon nung magphoto shoot kami.  I'm now discovering how to apply properly and so far, napapakiss naman si husband pag nakikita niya akong naka make up hehehe.  Tuwing nasa mall ako, gusto ko tumingin ng bagong shade ng eye shadow. Saan na ba patungo itong sinusulat ko?  Anyway, I have been shopping lately.  For dresses and shoes.  Minsan nga lunch break ko tatakbo ako sa mall, skip my lunch just to buy some things...kaya pala "The Devil wears Prada" no wonder these clothes/shoes are so tempting.  Sorry po Lord! Birthday ko naman po at talagang wala akong maisuot.


Home is IKEA
May 9

I am a struggling housemaker.  Hindi ako marunong mag-ayos, mag style ng bahay. Nakakailang bili nako ng organizers like cabinets...magulo parin at walang "theme" ang bahay namin.  Actually, meron. IKEA - kasi majority of our things were bought from there.  So I got the Friends flyer, oops sale daw yung chest of drawers.  I do not know but I have always longed to have a chest of drawers for my intimate things.  4 drawers? mapupuno ko ba iyon? Ang siste, I want to put new things in my drawers naman...slowly slowly, buy some every payday :-) kaso once a month lang ang suwelduhan dito sa SG kaya nakakatuyot.  Nakakatawa yung experience ko nung binili ko and drawers.  I went on the very first day of sale, ayaw ko maubusan.  When I went to the rack to self collect my flat pack, whaaat? there's nothing on the rack.  Is this a joke? first day of sale ubos na? megatext ako ng reklamo sa asawa ko.  Sabi niya bili na raw ako ng kahit ibang model kahit mas mahal tutal Birthday ko naman daw.  Buti nagtanong ako sa staff, nasa open area pala, dami daming stock kaya nga nakasale...happiness comes in flat packs!

Sarap kasi nung inayos ko towels ng asawa ko sa drawer, ang ganda ganda daw. 

Fast Five Fun!
May 14~17

Long weekend.  Feeling ko honeymoon.  Tagal ko nakasama asawa ko just doing nothing tapos nanood pa ng movie and went shopping.  Pag working day kasi tulog pa ako, naka alis na asawa ko then gabi na pag dumatin.  Kain and get the kids to sleep then super low bat na kami pareho.  Ganda ng Fast Five para sa busy mommy na katulad ko, movie time is a treat talaga.  Buti nalang hindi bawal magcelebrate ng birthday.

Pearly Birthday

Last year, pearl necklace and pinabili ko kay husband.  This year, earrings naman kasi nawala ko yung pearl earings ko.  Sana birthday ko araw araw!

Extended...
June 5

May audit na naman ako sa Taiwan.  Laging sambit ng mga katrabaho ko na maghoholiday na naman ako.  Gawain kasi nila na pag may business trip, they extend a few days for personal holiday.  Dahil birthday ko at 10 years na akong Supplier Quality Engineer, it's time for a personal holiday. Ako lang.  I am extending my trip to Taiwan. But what can I see and do in one day? Basta at least meron akong "me" time.

This year ko naramdaman ang tunay na "maligayang kaarawan".
I am happy with my husband, very happy with my kids, very blessed to be with my Mom, I have great family and friends.

Love you LORD! You are simply Amazing mmwah
 

No comments:

Post a Comment