Bakasyong kay saya!


Para mag-end ng masaya ang blog ko, unahin ko na yung mga hindi magandang nangyari sa pagbabalik-baguio ko.

1.)  a week before ako umuwi, nawala ang aso kong si Mushu.  8 years old na yung aso ko.  Napakaloyal niya sa aking pamilya.  Pinulutan ba siya?  Halos mapaiyak ako sa balitang ito.
2.)  2x akong muntik nang madukutan.  Nung unang araw na lumabas ako, at nung last minute shopping ko.  Buti wala namang nakuha.  Ang masama, na-slice ang Gucci bag ko...haaay buhay naman.
3.)  Nakakahiya mang Pizza, Ice Cream at Cake lang ang nailibre ko sa pamilya ko, naubos ang 35K ko.  Oo konti lang talaga ang budget ko.  Mayayaman na ata ang mga Pinoy ngayon, libo libo na ang ginagastos.  Sa isang linggo, naramdaman ko kung gaano kahirap mamuhay sa Pinas. 

Nabuong muli ang aking pamilya.  Well, kaming 5 magkakapatid ay nagsamasamang muli. Last reunion namin ay noong 2005 pa. Wala pang isang taon si Audrey (kaya tabatching pa ako).  Ngayon naman, tabatching parin kasi nga 28 weeks naman ang pinag bubuntis ko.  Haay, pero kitang tumanda na kaming magkakapatid.  At sa pagkakataong ito, hindi namin kasama ang kapatid naming lalaki.  Wala sa ayos ang kanyang buhay ngayon, pero sana alam niyang narito lang kami kung sakaling kailanganin niya kami.

Nakakatuwa (tawa) ang mga pinagkuwentuhan naming magkakapatid.  Ang tatay namin na tumatanda na, at ang mga kamag-anak naming panay ang hingi ng tulong, di naman tinutulungan ang mga sarili.  Walang kamatayang kuwento.... Buti nalang at advanced na ang technology,  parang hindi naman masyadong matagal yung 5 years na hindi kami nagsama-sama.  Merong tawag, text, e-mail, facebook at siyempre ang mga padala :-)  At nagkikita kita rin kami in person, sa mga dalaw.  Pero ngayon lang uli yung 5 talaga kami.

Wala akong balat sa puwet, pero simula ng dumating ako, araw araw na nag uulan. Wala naman akong balak mamasyal, masaya na ako na nasa piling ng mga kapatid ko.  Buti nalang buntis ako, kundi lalabas ang pagkatamad at kuripot ko! Aba balikbayan, lagi lang sa bahay?!  Eh sa ganda naman ng bahay ng ate ko, para na akong nasa hotel.  Mas nabobore ako pag lumalabas.  Puro tao at dumi lang nakikita ko.


Isa pang nakakatuwa ang pamangkin kong si Isa. Dalaga na talaga siya.  Sabi ko siya na ang bunso namin. College na siya, ilang taon nalang ay magkakatrabaho na siya.  Hehe siya naman ang manlilibre sa akin.  Yes!
At ang mga bata, nakakatuwa sila. Sana ay maging close din silang magpipinsan sa pag laki nila. 


Ganon kabilis ang 11 days.  Pero kahit 11 days lang taon taon ay lubos na kasiyahan naman ang baon ko pagbalik dito sa Singapore. 

Kasalukuyang lumilipad ang eroplano sakay ang asawa ko.  Uuwi rin siya para sa reunion nilang magkakapatid.  Sana ay maging masaya at ligtas ang kanilang muling pagkikita.

President Noynoy, sana nga by choice nalang ang pangingibang bansa ng mga Pilipino at hindi necessity.  Kasi mahirap panatiliing buo ang isang pamilya kung pinaglalayo naman ang bawat isa.

2 comments:

  1. Iba talaga ang saya pagkasama ang pamilya..Ate Rence, dalaga na si Audrey..=)

    ReplyDelete
  2. Dalaga na si Audrey. Parang kailan lang sa Hicap ay kinukulit kita tungkol sa incoming parts (buntis ka nun kay Audrey)

    Seryoso, bahay yun?
    Kala ko Bloomfield hotel sa baguio eh.

    ReplyDelete