ito ang aking kaarawan.
at sa katotohanan, itong taon ang huling taon kong nasa kalendaryo pa ang edad ko.
in short, 31 na ako.
4 na taon na pala akong nag didiwang ng aking kaarawan dito sa SG.
2007 - wala ang aking pamilya pero kasama ko naman mga ka-caregroup ko. marami ring mga taga HICAP ang dumalo. (hindi yan ang pic ng bday ko, pero sila ang mga kasama ko)
2008 - Japanese buffet with Audrey and Luigi (nagpagutom pa kami ng husto kayat nagpicture muna)
2009 - Pulau Ubin with family
2010 - 4/29 : dinner with Family, 5/3 : pizza at home, 5/4 : Marina Bay Sands dinner date with Luigi
Pinili kong mag ME moment nung kaarawan ko. So anong ginawa ko? Nanood ako ng Iron Man 2 (buntis at nagiisa, hanep sa trip), gumala gala sa mall at kumain ng paborito kong yakiniku. Kala ko marami akong magagawa sa isang araw. Kaso mabigat na pala tong baby boy ko, kaya't puro din pahinga. D bale na, importante ay nakag muni muni pa ako. Nang mag CR ako, bigla akong nag emote! Tulo ang luha at hagulgol. Bakit? naisip ko lang, malamang e2 na ang huli kong ME moment. The reality of being a mother-to-be of 2 kids struck me. It's a very heavy responsibility. Maaga akong nag-asawa kayat hindi na enjoy ang pagiging single. Wala naman akong regrets. Tutal, puwede pa ulit akong mamuhay single pag medyo malalaki na ang mga bata.
Ayon. I had a happy birthday definitely. Maraming salamat po Lord. Sana pahiram mo pa ako sa mga nagmamahal sa akin ng maraming taon pa.
Belated Happy Birthday Ate Rence..Ni-grit kita sa YM pero baka nde mo nareceive..=) Happy ako sa lahat nang nagyayari sa buhay mo at alam ko na marami pang nakapila...Ingat ka palagi pati si baby boy..hope to see you soon...I miss you!
ReplyDeletenapadaan lang po
ReplyDeletebelated happy bday!