Baguio here I come!!!!!!!!!!!!!!!!

dalawang tulog nalang (pero hindi na nga ako makatulog eh)...uuwi na ako sa Pinas.
Sa Baguio...sa aking kinalakhang Baguio.
Makikita ko na pamilya ko, first time to meet my British borther in-law and half breed na pamangkins, twins pa sila.  Sana magpakarga sila sa akin.  Baka naman matakot sa dambuhala kong tiyan.

haaaay...mga aso namin, mga halaman ni mama, mga malayong tanawin, memories, the good and the bad...ang sarap! ang sarap ng feeling.  Iniisip ko palang, relaxed na relaxed nako.

Sana mabait ang Cebu Pacific at huwag ako pag tripan na ideny ng boarding.
Sana walang mga kurakot sa Clark.
Sana walang biglang lumutang na kamag-anak at manghingi ng pasalubong.
Sana safe kami sa pag uwi...makarating sa aming mga mahal sa buhay.

Pilipino po ako (?)

Kamusta naman ang pagiging Pilipino ko?

Kausap ako ng isang kaibigan.

Singkit: Did Pac-man win in election?
Buntis: I do not follow Philippine Politics
Singkit: Did you vote?
Buntis: Nope.
Singkit: Why? You should vote!
Buntis: walang kibo, nag-iisip, bakit nga ba hindi ako bumoto?
Singkit:  How did you do an automated election when there are places that you need to cross rivers before you can reach the place?
Buntis: Do not ask me!

Dahil talagang hindi ako interested sa eleksiyon, iniba niya ang topic.

Singkit: Where can I find authentic Philippine Cuisine in Singapore?
Buntis: I can cook it for you!

Haay...kasi naman ang liit ng mundo ko.
Pero honestly, meron bang authentic Philippine Cuisine dito? Panay mamantikang ulam lang naman ang tinda sa Lucky Plaza.  Yung Salu-Salo nagsara na, hindi ko pa nga natatry.

Kung Pinoy food din lang, eh di yung luto nalang namin sa bahay.

At tama yung nabasa ko sa FB.  "Yung mga hindi bomoto, walang karapatang magreklamo sa mga ginagawa ng politoko dahil hindi naman nila ginamit ang karapatan nilang mamili kung sino ang mamumuno."
OK, agree ako doon.  No comment nalang sa mga kaganapan sa Pilipinas.

Tama na...mag diet na!





I went to visit my OB last Tuesday.
It was just a routine check so I expected it to last 10 minutes only.  True enough, he was in a hurry to get me out of his clinic. The urine test, weight test and wating time lasted about an hour.
It's alright, books I've read always stress that antenatal visits are VERY important.  Next month would be more exciting as I'll be watching my baby boy through ultrasound again.  His movements are "too much" now, soon I expect to feel the pain of his kicks.  Bring it on baby! That's better than me wondering what's going on inside, whethere you're still there or not.

I'm now 63 Kg...gosh.  That was my weight when I gave birth to Audrey.  I was probably around 50 Kg before pregnancy then.  I was never able to get back to that shape again, only to 52 Kg.  So now, with three months more before giving birth, will I be gaining 10 Kg more? huwaaaaah please no!

Solution...mag diet.  I told myself to avoid chocolates, cakes, jelly beans, Coffee Bean drinks, soft drinks...all are bad for the baby anyway.  I could always say no to these when I was not pregnant, but surprisingly, I'm into them now. 

Here's what is in my office drawer right now...oh di ba ang sinful?


Kaya after kong maubos tong mga to (may grace period pa), hindi nako magbabaon ng mga ganyan, puro fruits nalang.  naks!

Ang sarap kasing kumain ngayon without watching your weight kasi I have a very obvious excuse! Kung dati hindi puwedeng malaki ang tiyan, ngayon, aba! buntis eh.

Pero paano na naman ang post-natal weight gain? Oh yes, once you stop breasfeeding, your body will drive you for more calories, kayat tataba ka pang lalo.

Kaya, tama na....mag diet na!

Kalendaryo

Sumapit na naman ang ika-4 ng Mayo sa kalendaryo.
ito ang aking kaarawan.
at sa katotohanan, itong taon ang huling taon kong nasa kalendaryo pa ang edad ko.

in short, 31 na ako.

4 na taon na pala akong nag didiwang ng aking kaarawan dito sa SG.
2007 - wala ang aking pamilya pero kasama ko naman mga ka-caregroup ko. marami ring mga taga HICAP ang dumalo. (hindi yan ang pic ng bday ko, pero sila ang mga kasama ko)
 
2008 - Japanese buffet with Audrey and Luigi (nagpagutom pa kami ng husto kayat nagpicture muna)

2009 - Pulau Ubin with family

2010 - 4/29 : dinner with Family, 5/3 : pizza at home, 5/4 : Marina Bay Sands dinner date with Luigi

Pinili kong mag ME moment nung kaarawan ko. So anong ginawa ko? Nanood ako ng Iron Man 2 (buntis at nagiisa, hanep sa trip), gumala gala sa mall at kumain ng paborito kong yakiniku.  Kala ko marami akong magagawa sa isang araw.  Kaso mabigat na pala tong baby boy ko, kaya't puro din pahinga.  D bale na, importante ay nakag muni muni pa ako.  Nang mag CR ako, bigla akong nag emote! Tulo ang luha at hagulgol.  Bakit? naisip ko lang, malamang e2 na ang huli kong ME moment.  The reality of being a mother-to-be of 2 kids struck me.  It's a very heavy responsibility.  Maaga akong nag-asawa kayat hindi na enjoy ang pagiging single.  Wala naman akong regrets.  Tutal, puwede pa ulit akong mamuhay single pag medyo malalaki na ang mga bata.

Ayon.  I had a happy birthday definitely. Maraming salamat po Lord.  Sana pahiram mo pa ako sa mga nagmamahal sa akin ng maraming taon pa.