From my hotel hopping sa Korea and China last week, may mga napulot akong ideas para sa bagong bahay namin. It's not impossible na gawin pero mahirap...libre naman mangarap.
Like ko talaga ang soft light from the curtains
e2 naman ang super like kong bedroom, spacious (pero tigas ng bed) ano bang tawag sa tela na nakapaibabaw sa kama? bed runner ba? Kasi alam ko lang yung ganito ay table runner. Bongga ang floor to ceiling na red headboard.
We are not using a bed frame though, para kay baby. When Audrey was born, we have removed our bed frame and just put our bed on the floor. At least hindi nahulog si Audrey kahit minsan. Dito nalang ulit sa SG kami nag bed frame.
Dapat may malaking painting! Anong ginagawa ng mag-ama kong talented? Naalala ko tuloy ang pending cross stitch project ko (3 years nang nakabinbin) Kailangan hanapin ko na at ituloy. Pampasuwerte sa bahay yun. Meron akong dalang cross stitch project nung mag apply ako dito sa SG. Malaking Jar. Nung natapos ko, may work na ako, suwerte di ba?
See through toilet and bath, haha nope ayaw ko ng ganito sa house ko
bed as seen from the toilet, kapiranggot lang ang toilet sa MBR kayat pangarap nalang ang bath tub at vanity. kita ang bilog na bilog kong bump sa salamin oh, hahaha
Puwede bang may shower screen sa maliit na space? Pang children nalang kaya ang kunin kong bowl?
I definitely like this door to the toilet. Sabi ko kay Luigi gusto ko transparent na pinto, ayaw niya kita daw ang nasa loob. Eto payag na siguro siya, hindi buong door transparent (eh hindi naman ata transparent ang tawag jan, ano nga ba?)
Hoy gising! Pintura lang ang gagawin sa bahay...walang ka-ek ekan na mga ganyan.
No comments:
Post a Comment