Chaos

Chaos talaga ang state of mind ko ngayon. 

I was just teaching my daughter the meaning of Month.  So I took out a calendar and told her in a few days ay May na, April and May are the months.  May na?? ang bilis talaga ng araw dito sa SG.  I can't explain why.  Ibig sabihin isang buwan nalang lilipat na kami.

Things to do bago lumipat:
1) buoin ang pang down payment
2) magpintura (kaya na daw ni dear husband yon, ows??)
3) magparenovate ng 2 CR (bago magawa ito dapat may kuwarta), anong design?
4) pumili at bumili (ay umutang pala) ng mga furnitures - I really need to have a journal for these things, puro ideas parin ang nasa isip ko.
5) umpisahan na ang pag eempake (i came to SG with just one maleta, now we have a houseload of things) bulky pa naman ang ref, washing machine, TV at queen sized bed, definitely we need a transporter.  I can sell them to my landlord now, but I guess, I love my hard earned gamit and can't just let them go.  (aba Hitachi inspire the next ang mga tatak nun no, bilib ako sa quality ng Hitachi kahit maraming nagsasabing madaling masira)

Isang buwan nalang dapat mangyari na ang lahat ng iyan.

What makes it chaotic is that...I'm having my baby in August.  Mahal manganak no! So importanteng lahat ng centimo ko for the next months ay gastusin sa mahahalagang bagay lamang.

Napakabuti lang talaga ng Panginoon kasi kakabigay lang sa akin kanina ng annual increment notice ko.  It did not meet my expectation but it will surely help sa mga gastusin. One step at a time, great things start from small beginnings.

Thanks Lord for my AI.  Sigurado akong ikaw ang bahala sa mga ipinag-aalala ng makamundo kong isip at puso ngayon.

Behold the fowls of the air: for they sow not, neither do they reap, nor gather into barns; yet your heavenly Father feedeth them. Are ye not much better than they?  Matthew 6:26

Oh yes I AM!

No comments:

Post a Comment