Monster Mommy

Everyday, I will check with my fellow Pinay na colleague about some things na patungkol sa anak kong babae.  Kasi matanda lang ng isang taon ang anak niya kay Audrey.  Madami akong natututunan sa kanya.

Hirap kasi ako sa anak ko.  Primary 1 na siya at umaga ang pasok.  Hay nako, first week of February, talagang I branded myself na as a Monster Mommy.  Every morning sa breakfast nagiging monster ako hahaha and huhuhu.

Bakit kaya ganun? Nung ako maliit super behaved naman ako (ahem...totoo yan, lagi akong example ni Mama kay Audrey).

I attended a talk sponsored by the school on how to improve the IQ of your children.  Hay naku, dito sa SG, super ang demand ng parents sa pagiging first class ng mga anak.  Ito talagang matagal kong itinuro sa sarili ko na hindi dapat ako maging ganun.  I'll just let my kids be their best.  E ano nga raw, sa pagkain daw nakasalalay ang katalinuhan.  So the famous saying na "Breakfast is the most important meal" is so true.  But we also need to make sure na healthy ang breakfast.

Dati oatmeal with 5 tablespoons of milo ...yes I said five...ang breakfast ni Audrey.  Tapos madalas yung milo lang ang kinakain niya.  Or bread with loads of nutella.  Kahit bigay ko na yung gusto niya, bagal parin siya gumalaw.  So i searched for healthy breakfast options...nak nang! salad, blueberry muffin, veggie omelet...ano ba yan, nasubukan niyo na bang ipakain sa bata yan? Hindi kaya nila kakainin yan.  I bought flatbread, put peanut butter, cheese, strawberries and banana.  Isang kagat...ayaw na.  See?  Pero pumatok ang banana with peanut butter (2 tablespoons...OK lang basta natural).  Instantly, gumanda rin ang mood ng anak ko that week.  But today, medyo hmm hmm na naman...

Something funny and nice happened this morning. Pagkahatid ko sa anak ko, I noticed one Lolo trying to fix the hair of her apo.  Clue less si Lolo pano itali, bawal nakalugay sa school.  So I offered to help, mega braid ko ang hair ni girl.  Sa paghipo ko palang ng buhok ng bata, ang lagkit, di pa nasusuklay. Isa sa mga issue namin ng anak ko ang ayos ng buhok, napaka-arte niya hahaha.  Sabi ng lolo, araw araw daw nag aaway ang bata at maid nila, "today the maid give up". So hindi naman ako nag-iisa...pero maid ang sabi ni Lolo, saan naman ang ina ng bata? Well...

I just felt better na kahit monster mommy ako, laging bagong ligo ang anak ko at maayos ang buhok.  Medyo nagdadalaga narin ang anak ko, I hope we can be the best of friends sa paglaki niya.  Pero mukhang typical teenager story na magiging most hated niya ako...wag naman po sana.

1 comment:

  1. rence,

    knowing you through your blogs and writings, i must admit that you are a good mom and a cool one too... i am sure that your daughter will have to figure it out for herself soon because if she did not, she will realize in the end, that the best friend she has been looking for is only a hug away...

    keep it up mommy!

    ReplyDelete