Sa session road may maliit silang maliit na cart. P20 something yung isang dosena.
Grabe naalala ko palang naglalaway na ako.
Ewan ko bakit kahit gustong gusto ko iyon ay hindi ko matandaang kinain ko talaga ng madalas. Di tulad ng McDo Quarter pounder na hanggang ngayon ay nasa weekly cravings ko.
I was in Taiwan beginning of the month. May sio mai dito!
Pero walang sing sarap yung Hen Lin, kahit nag attempt akong gumawa, wala...siguro isang kilong Vetsin ang sangkap nun kaya masarap.
A few years ago, sinubukan ko yung DimSum Buffet treat sa aking tinutuluyang hotel. WOW SARAP! kaya taon taon tuwing may biyahe ako doon, lafang the dim sum!
ang soup na nakakapaso sa init, sio mai, sio mai ulit, sampling of everything and dessert |
Third night, kahit nag offer ng dinner ang supplier, sabi ko papahinga ako. Pero ang totoo...gusto ko ng Sio Mai :-)
sio mai siyempre, seafood naman, sea coconut, dessert, tea while contemplating if I should have another round, the chef approached me and gave me COKE...sweet! |
I moved to another hotel so good bye Cantonese Dim Sum...see you again (sana soon na).
For a change, I was craving for some pasta. Buti Italian resto daw ang sa new hotel ko. When I headed to the restaurant, it was Chinese Hot Pot! Damn, ayaw ko ng amoy. Na sad ako. So I went strolling outside looking for my pasta.
Found it!
Dante's Coffee Super mura ng food Panalo yung Mango Cheesecake at Coffee yung pasta...magluluto nalang ako ng carbonara pag uwi |
Isa sa mga perks ng pag biyahe ko ang pagkakataon na matikman ang mga kakaibang pagkain. This round, I had a chance to eat shark meat and bettle nut flowers. The shark looked like pork but tasted like tsinelas. Bettle nut flowers tasted like bamboo shoots, yummy.
Bakit may weighing scale sa mga hotel?