di ko na ata to kaya

akala ko ikaw ay akin

totoo sa aking paningin
ngunit ng ika'y yakapin

bakit bako kumakanta?
dapat nagsusulat ako.


di ko na ata to kaya.


gising ng 6 am para magpondo ng morning feeds.
takbo sa ladies ng 9:30 am para sa afternoon feeds.
eskapo ng 11:40 para umuwi.
lakad ng 15 minutes sa ilalim ng tirik na araw.


itransfer ang dalang feed sa bottles
i-feed si baby ng kanyang lunch
kainin ang lunch
balik sa opisina


…dapat 12~12:45 lang ang lunch break
latest na dumating ako this week is 1:20
nasa office namin si Director, nakikichika :-)
kitang kita niyang may dala akong bag at payong
KEVS!


pahinga pahinga pahinga
paypay paypay paypay
aba 3:30 na pala?
takbo ulit sa ladies….
wala na, drained na ang mudra ni Aeden!
buti nalang malapit na ang alas sinko.


pag uwi, piliting dumede si baby, left and right
actually gusto ko lang humiga at magpahinga :-(
<>
istorbo pero sweet


maya maya lang maglilinis pako ng mga bote
tapos sterilize them
kelangan pa bantayan si Audrey magpratice ng piano….


balik opisina nako nung lunes
tuesday palang ramdam ko na ang pagod
kagabi sabi na ni Audrey mukha daw akong may sakit.






that is how mothers spell L-O-V-E






ooops di pa tapos


may umiiyak ng malakas, kelangan isayaw/ijogging/kantahan/padedehen hanggang mabilaukan


may umiiyak, matagal ko na daw siya hindi kinakantahan
tabihan ko daw siya sa pagtulog tulad ng dati
hawak kamay daw kami






naku mga anak!


…..salamat at dahil sa inyo alam ko ang aking papel sa mundong ito.


sana magampanan ko ng katanggap tangap sa Kanya na siyang nagpahiram sa inyo sa akin. I love you Audrey and Aeden!








"You can learn many things from children. How much patience you have, for instance."


-----Franklin P. Jones


2 comments: