About work itong susulat ko.
Naisip ko lang, limang taon din pala ako sa Hitachi...ang bilis lang nun.
2 years narin ako sa CTS, pero bawat araw at oras ata, talagang trabaho ka. Hindi naman yung puro trabaho pero yung isip mo talagang hindi nagpapahinga. Anyway, thankful parin ako na meron akong trabaho. Hindi naman lahat ng biyaya nasa form ng $$$.
Tulad nalang na nalagpasan ko na ang 4 na rounds na retrenchment. Oh di ba? Blessing talaga. Yun lang, yung trabaho ng tatlong taong nadale sa mga retrenchment, napunta sakin. Hindi na bale, thankful parin ako. The more work, the merrier..totoo, napagdaanan ko yung wala kaming business, wala kaming production (minimal lang) so walang issues..aba kabisado ko na lahat ng updates ng mga friendster ko. Ang sakit sa ulo ng walang ginagawa.
Maraming beses ko nang inasam at tinangkang lumipat ng work. Eh meron namang mga tumawag, pero hindi parin binibigay ni Lord sa akin. Tuloy parin naman ang trips ko...hehehe isa sa mga perks ng pagiging SQE. Kaya nga mararating ko na ang Korea sa buwang ito.
At hindi na muna ako maghahangad ng ibang work, kasi next month, mag-aaral na ako. Sagot ng company. Ito talaga yung gusto ko, yung matuto, maging mahusay sa trabaho. Para pag anjan na ang quality issue, alam ko na kung anong gagawin ko. Makaka contribute ako ng mas marami sa company ko...
Haay...epekto ba ito ng overwork? o underpaid?
D nga...Lord, salamat po sa work ko.
E2 balik warehouse na naman ako...malapit talaga sa puso ko ang mga inspector...pati sa Hitachi, nadestino din ako sa warehouse eh.
Summer Holiday 2020
4 years ago
No comments:
Post a Comment