First Time ko sa Korea, sana may susunod pa!

Buti nalang may supplier ako sa Korea. Galing lang ako doon for audit. Sa unang supplier, masaya. Super welcome ako, kasi naka-hold ang mga order namin sa kanila due to some quality issues. So very accommodating sila. Nakakapressure lang kasi on our second dinner, nagsabi na silang kailangan ipasa ko sila sa audit kasi tatanggalin daw sila pag hindi sila pumasa. Yung isang manager, nilabas yung phone niya at pinakita yung pic ng anak niya. "You see my son? If I don't get good score in this audit, I won't be able to feed him!" Aba kinonsensya pa ako...anyway, dahil persistent sila to show proof of compliance, mataas naman ang score nila. I hope gumanda na ang performance nila, kasi hirap narin ako to hold weekly conference call with them.


Natuwa ako sa mga apple trees sa daan, major crop ng Chungju ang apples at harvest season ngayon. E araw araw gusto ko talagang magpapicture sa apple trees. Kaso lagi kaming ginagabi sa audit. So nung last day na, pagkasundo sakin sa hotel, kapal muks kong nirequest na tumabi sa kalye pag may apples...hahaha are you serious?? tanong ng supplier. Hindi daw niya alam kung saan may apple...sabi ko, dumaan ka sa likod ng company, doon maraming apples...huh, akala mo i'm not serious ha? Bawal pumitas, i-fine ka ng Korea Government, ang pinagkakakitaan nila from sale of these apples go to the poor...whoooa...sana maisip din ito ng mga pulitiko sa Pinas, ang tulungan ang mga mahihirap...

Worried ako sa food, kasi hindi ako sanay kumain ng maanghang. So okay, first dinner upon arrival, let's see the food.... ayan unagi at beef soup at sandamak-mak na side dish. Maanghang ba? Hindi, kaya pa ng panlasa ko...pero walang lasa yung food. Exceept yung beef soup na sumobra ata sa tamis. Masarap siya tingnan. Walang kanin kaya di ako nabusog.






Second dinner naman...bad experience. This is a specialty. Very Expensive. Try it. It's rotten fish. Hmm...looks like sashimi to me, pano naging rotten fish? Okay, like ko naman ang burong isda sa Pampanga, so baka masarap naman itong rotten fish. Sige ichopstick mo dear... first chew, wala naman, second checw, lasang isda, third chew...oh men! where is the toilet? parang amoy at lasang ammonia, medjo makunat pa naman, tagal nguyain. napa-wek ako, nasusuka, naluluha. It's very good sabi pa nila, eat some more...naluha na talaga ako. Pinagtawanan nalang nila ako. Tirahin nalang natin yung boiled pork at kimchi...ok ang lasa. While writing this, medyo nasusuka at naluluha ako. Walang rice kaya hindi ulit ako nabusog. Nakakapagod nga nguyain yung mga side dish nilang puro gulay. But the food is definitely healthy. Very low in fat and full of fiber. Kaya walang matabang Koreano. Ok to, hindi ko proproblemahin ang pagtaba ko after this audit. Interesting to know na ang kimchi is very good to fight flu. Kaya sila tinatamaan ng H1N1.



More food:







Inihaw na baboy...sarap. Masarap din yung inihaw na onions, garlic at kimchi. Napagod parin ako sa kakanguya ng side dishes.




Cold Noodles...masarap, refeshing yung soup na kimchi based din. Pero sineserve ito after mong magpakabusog sa inihaw na baboy. So hindi ko kayang ubusin yung noodles. Para din silang Chinese, after eating ulam, saka hihirit ng kanin or noodles. Pangpuno daw ang rice, bread or noodles sa tiyan na hindi pa puno.






Ginseng Chicken...may malagkit na kanin sa loob ng manok at may ginseng. Walang lasa kaya may isang mangkok ka ng asin. Isang manok per person. Maliit lang naman. Kayang kaya (ako pa!) pero hindi ko rin inubos dahil pinangunahan akong busog na daw siguro ako. Pademure, kaya sige na nga...eh hita at pakpak lang kaya yung nakain ko. May Kanin naman, kaya nabusog na ako. Last dinner na namin with my supplier...lipat naman sa isa pa. D sila as jolly as my first supplier. So medjo hindi ako nagpicture. Saka pagod narin.


Parating na raw dito sa area ko yung auditor ng physical inventory kaya post ko na ito. Mamaya na yung Pre-wedding anniversary gala namin ni Luigi.










Those who stay are the strongest!

About work itong susulat ko.

Naisip ko lang, limang taon din pala ako sa Hitachi...ang bilis lang nun.
2 years narin ako sa CTS, pero bawat araw at oras ata, talagang trabaho ka. Hindi naman yung puro trabaho pero yung isip mo talagang hindi nagpapahinga. Anyway, thankful parin ako na meron akong trabaho. Hindi naman lahat ng biyaya nasa form ng $$$.

Tulad nalang na nalagpasan ko na ang 4 na rounds na retrenchment. Oh di ba? Blessing talaga. Yun lang, yung trabaho ng tatlong taong nadale sa mga retrenchment, napunta sakin. Hindi na bale, thankful parin ako. The more work, the merrier..totoo, napagdaanan ko yung wala kaming business, wala kaming production (minimal lang) so walang issues..aba kabisado ko na lahat ng updates ng mga friendster ko. Ang sakit sa ulo ng walang ginagawa.

Maraming beses ko nang inasam at tinangkang lumipat ng work. Eh meron namang mga tumawag, pero hindi parin binibigay ni Lord sa akin. Tuloy parin naman ang trips ko...hehehe isa sa mga perks ng pagiging SQE. Kaya nga mararating ko na ang Korea sa buwang ito.

At hindi na muna ako maghahangad ng ibang work, kasi next month, mag-aaral na ako. Sagot ng company. Ito talaga yung gusto ko, yung matuto, maging mahusay sa trabaho. Para pag anjan na ang quality issue, alam ko na kung anong gagawin ko. Makaka contribute ako ng mas marami sa company ko...

Haay...epekto ba ito ng overwork? o underpaid?

D nga...Lord, salamat po sa work ko.

E2 balik warehouse na naman ako...malapit talaga sa puso ko ang mga inspector...pati sa Hitachi, nadestino din ako sa warehouse eh.

Seoul Korea

malapit na ang Korea weekend! yehey!

first time kong makakapunta ng Korea kaya exciting.
magkikita kaya kami ni Jang Gyeum doon?