Dahil taon taon may 2 weeks shutdown ang company namin, I let my dear Mother go home sa Pinas to spend Christmas with the family. Previous years, dito lang siya sa SG and mega pahinga kami ng two weeks, siyempre nagpeprepare din for Christmas and New Year with my in-laws.
I promised the Lord na kung bibigyan na niya kami ng house, magiging tunay na Nanay na ako. Yung tipong gumigising ng maaga, naglilinis ng lahat ng sulok ng bahay, naglalaba, nagtitiklop, nag-aalaga ng anak.... ganun. Kasi naman nung si Audrey palang ang anak ko, andito si Mama at super alaga din siya ng Papa niya. Dahil bunso ako (nagrarason), super alaga din ako ng Mama. Lahat ng gawaing bahay siya gumagawa, mamalenke lang at magplantsa lang ng damit ang ginagawa ko. Pero nung nag part time ako sa Subway, mop and brush ng sahig at magtapon ng isang drum na basura pag closing ginagawa ko. Hindi tama to sabi ko sa sarili ko. Kaya I promised to do housework in my OWN home.
Nandiyan na ang bahay pero delayed parin ang pagiging tunay na nanay dahil buntis at nanganak ako ng isang Aeden pogi. Kaya ito na ang pagkakataon ko.
Being able to spend 24/7 with my kids for two straight weeks was no joke. Mas naappreciate ko na ang dedication ng Mama ko sa aming magkakapatid. Kahit nga ngayon na dapat ay nagrerelax nalang siya, full time parin siyang nag aalaga sa akin at sa mga anak ko. I SUPER LOVE YOU MAMA! Gusto kong sundan ang mga yapak mo, I have received the best LOVE and want to give it to my kids and grandchildren someday.
Some of my realizations:
My bestfriend was the washing machine. Araw araw ako naglalaba, pero walang hassle. Load mo lang then pindot pindot, then sampay later. Walang sugat sa kamay at di masakit ang likod.
Enemy ko ang mga labada ko. Na high blood ako minsan kasi andami kong sampay, nagprito ng half kilong baboy ang housemate ko. Yuck! Di ko matake ang amoy, so nilaba ko nalang ulit. At dahil everyday ang laba, andaming titiklopin! Di ko kineri. Tinambak ko nalang lahat until Dong asked me kung saan na raw ang mga shorts niya hahaha.
Alam ko na kung bakit hindi pa tuyo ang mga plastic containers ay itinatabi na ni mama. Reklamo ko naman eh nangangamoy pag di natuyo. Dahil mabilisan lahat ng gawain sa bahay, hindi mo na hihintaying matuyo pa yung hinugasan mo. Itinuktok ko talaga sa ulo ko ang mga basang containers na isinalansan ko. Reklamo ka pa!
Hindi naman pala mahirap magwalis. Sumasakit ang kamay ko dati pag nagwawalis kaya ayaw kong gawin. Mag mop walang problema, nahasa ang skill ko sa pagmop sa Subway. Pero pag araw araw ka palang nagwawalis ng buong bahay, masasanay din ang mga kamay. No sweat, kaya kahit hating gabi ngayon, nagwawalis ako sa bahay.
Nakaplan akong mag general cleaning sa bahay. Pupunasan lahat ng grills, bintana, i-aayos ang lahat ng damit sa cabinet, linisin at i-organize ang kitchen cabinet, ayusin ang store room, kuskusin ang tiles... Wala akong na accomplish. Sa normal daily routine lang talaga naubos ang oras ko.
Best feeling was to see my daughter Audrey having fun flying her kite. Matagal na naming sinabing magpapalipad kami ng kite pero hindi nangyayari. Sa loob ng bahay lang nagpapalipad ng papel si Audrey. So binili ko siya ng malaking kite at pinalipad namin sa kalsada. Halos mapaluha ako nung pinapanood ko siyang magkite at humahalkhak. Pero hindi parin natupad ang wish niyang mag kite sa park. Next time anak, promise yan ni Mommy.
Narestore narin ang milk supply ko dahil nagsuper enjoy si Aeden. Every two hours hungry siya. I felt engorgement and strong let down again. Good, matutuloy ko parin magbreasfeed for another 2 months minimum. I just love watching my son when he nurses. Everyone is saying Aeden needs to start eating solid food, but I insist to follow the experts. Breastmilk or formula is complete nutrient for babies for the first six months. Madaling mabusog ang baby pag pinakain mo ng cereal which does not contain enough nutrients, so magkakaroon ng effect sa baby. Hindi naman life threatening, maraming baby na maagang kumakain. But to give optimum care for my son, I'm delaying solid food. He's started formula though! As working mom, I can't provide 100% for him. It's tiring too, I have to admit.
Masama lang ang loob ko kasi medyo napalo, nasiko, nasapak, naitulak ko nga lang si Audrey. MEGA kulit ang anak ko. Lagi niyang inuulit mga sinasabi ko at parang wala siyang naririnig sa mga iniuutos ko. Nag-aalala akong maalala ng ank ko mga ginawa ko at isumbat niya sa akin paglaki niya. Pero iniisip ko, isang episode lang ng pamamalo ni Mama ang naalala ko. But kids are smarter now. So ginagawa kong joke ang mga ganung moments with my daughter. After ko siya mapagbuhatan ng kamay, titigan ko siya at tatawa. Tatawa narin siya. Kaso, akala niya, joke talaga yun. Ngayon, madalas na niya ako sikuin at suntukin sabay tatawa...tatawa nalang din ako while thinking na natutunan niya sa akin yun.
Mahirap maging isang ulirang ina, tao lang, nagkakamali din po! Pero ito ang PINAKAmagandang privilege. Every night kahit sakit sakit ng buong katawan ko, ang saya saya ko. Nakangiti akong matulog. Mas sobrang humigpit ang mga yakap ko sa mga anak ko. I do not want to be separated from them ever!
Salamat sa time na ito, sa uulitin. I just spent the most fulfilling 2 weeks in my whole life!
Audrey and her pretty kite |
Aeden enjoying outdoors |
Managed to bring the kids to the mall to shop |